Chapter 9: Ignore

18 0 0
                                        


Chapter 9

Athen's POV

Nandito ako ngayon naka upo sa ground. Inaantay ko kase sina Bea na dumating. Magfo food trip kase kami. Haha.

Busy ako sa pagso solve ng Assignment namin sa math ng makita ko si Chad.

Since that day. Nung nag confess ako. Hindi ko pa sya nakaka usap ulit.

It's been 1 week. Nabawasan na yung pain. Pero andito padin. Ramdam na ramdam ko padin.

Kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon hinabol ko sya.

"Hi Chad! Kamusta". I try to smile. A genuine one.

But to my surprise, tinignan nya lang ako. Naka salubong ang mga kilay. Bago ako muling nilagpasan.

Pang limang beses na yan!

Oo limang beses na akong nag try na i approach sya. Pero lagi nya lang akong iniiwasan o di kaya'y hindi papansinin.

Para akong hangin sa kanya.

What happened?

Bakit nagka ganon ang lahat.

I'm so stupid.

Mali na bang aminin yung nararamdaman? Kelangan ba na kapag umamin sayo yung isang tao layuan o iwasan nyo na?

Damn! That's unfair. Hindi nyo alam kung gaano kalaking confidence ang inipon namin para lang umamin sa inyo tapos ganyan igaganti nyo!

I shrugs. Bumalik sa pagkakaupo. I get my notebook at nagsulat ulit sinubukang ifocus yung utak ko sa mga sinasagutan ko. But I can't. Damn! Di ako makapag focus.

Tumingin ako sa direksyon kung saan naka tayo si Chad kanina. Ano bang nagawa kong mali?. I sighs then look up the sky trying to hold back my tears.

Mali bang magka gusto sa kabigan?

Rejection ba agad ang kapalit nun?

Nakakatakot pala mainlove sa bestfriend hahaha. Pwedeng masira ang pagkakaibigan nyo.

I sighs again. I just keep looking at the sky. Natawa nalang ako dahil kahit ano palang pilit ko na wag paagusin ang luha ko ay walang epekto.

Eto na naman sila naguunahan sa paglabas.

I'll forget you soon Chad.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko
Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Ruis.

Umupo sya sa tabi ko at inabutan ako ng panyo.

Wala ako sa mood tarayan sya kaya kinuha ko nalang ang panyo nya at pinunsan ang luha ko.

Suminga na din ako barado na kase ilong ko matapos nun ay binalik ko na sa kanya.

I chuckles. Hindi kase maipinta muka nya habang naka tingin sa panyo nyang siningahan ko.

But he just shake his head. Get his handkerchief at nilagay sa bag nya.

Napailing nalang ako. Seriously Ruis? Kala ko itatapon mo hahaha

"I'm glad I make you smile Nia".

"Baka lumaki ulo mo pft. Sa panyo ako natawa hindi sayo. Wag kang feeling dyan".

Pero imbes na asarin ako pabalik he just look at me straight into my eyes. Err awkward

"Alam kong masyado akong kyut Ruis pero sana wag ka maglaway para kang aso". I laughed again. Kase parang hindi nya alam ipapambara nya sa sinabi ko.

SmileWhere stories live. Discover now