Chapter 10: HIM

15 3 0
                                    

Athen's POV

"Oh Athenia bakit parang sinisipag ka ngayon?".

Nakatayo si tita ngayon sa harap ko habang tumutulong ako sa mga kasambahay naming mag mop ng sahig.

"W-wala naman po tita gusto ko lang ng may ginagawa". Casual na sagot ko sa kanya bago inilagay ang mop sa balde na may tubig at pinagaan ito.

Hindi ako sinisipag, gusto ko lang ng madaming gagawin. Distraction kumbaga.

Gusto kong malibang. Ayaw kong mapag isa, kase baka wala akong ibang maisip kundi sya.

Nagm-move on na ako, I want to forget him.

"Ganon ba?". Tinaasan nya ako ng kilay at tinignan ako na para bang may gusto sya malaman.

Oh c'mon!

Ang gulo ng malaking pusit na to jusku. Kapag wala akong ginagawa andaming sinasabi ngayon na may ginagawa ako may sinasabi padin. geez!

Hindi ko nalang pinansin si tita at pinagpatuloy nalang ang ginagawa. Mang gugulo lang to dito e.

Pag ako nainis ilalaglag ko to sa hagdan, sarap sipain.

Just kidding tita, baka ipa salvage mo ako.

"Sya nga pala Athenia hinahanap ka ni Ruis kanina."

"Talaga po ba tita? Bakit daw?".

Wala akong pake kung tumawag yun mangungulit lang yun.

Pasalamat sya at kaibigan ni tita ang mama nya kaya sinagot ni tita yung call.

Dahil sigurado ako na kung hindi, lagot.

Baka sagutin nya pero sisigawan nya.

Hahaha may one time kase na nag prank call sina Reggie at number yata sa bahay ang natawagan nila. They ask tita if nagtitinda ba sya ng kwek kwek. Like seriously? Ayaw nya sa mga prank tapos nalaman nya pa na kaibigan ko gumawa nun ayun si Ursula galit na galit.

"Aba! Malay ko. Kung gusto mong malaman edi tawagan mo sya". Mataray na sagot ni tita bago ako inirapan.

Erz! Matanggal sana eye balls mong pusit ka. HAHAHAH ang sama ko.

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.

"Ah sige po tita, salamat. Tatawagan ko nalang po sya mamaya."

Yan nalang sinabi ko parw tapos ang usapan. Naka harang na kase sya sa mina-mop ko e sisipain ko talaga to.

"Ano naman ngayon kung tatawagan mo sya?". Masungit na sagot nya.

Abat! May dalaw siguro to. Sinasabi ko lang naman para mainform ka langya pereng tenge.

Napatawa naman ako ng bahagya sa muka ni tita na namumula na. Galit na galit di naman inaano. Baka atakihin pa to eh HAHA

"Hoy!". Nagulat ako nung biglang mas lumapit pa si tita nang hawakan nya ang baba ko at iniharap ito sa kanya.

"P-po?". Hindi naman masakit ang pagkakahila nya. Pero kinakabahan ako sa expression ng muka nya geez

"Bakit parang mas lalo kang pumanget ngayon?".

What!? Seriously?

Pigilan mo sarilli mo Nia. Matanda yang kaharap mo.

I forced laugh.

"Di ko din po alam tita. Kaya siguro di nya ako magustuhan kase ganito lang ako."

Syempre bulong lang yung dulo HAHA move on na men! Kalimutan ang dapat kalimutan

"Tignan mo yang mata mo, bat parang mas lumubog. Ayusin mo nga sarili mo! Baka sabihin ng nanay mo pinahihirapan kita dito".

SmileWhere stories live. Discover now