"Umm...hi." bati ko. Shet, ang awkward.
"Wanna go to prom with me?" Simpleng tanong nya lang, my heart just went through the roof, di ko alam kung dahil sa nerbyos or kilig. Nung tinignan ko si Yvonne for support, kinindatan nya lang ako at bumaba ng hagdan. What good friends I have.
"Umm...sure." I awkwardly answered. Nung narinig nya sagot ko, ne sighed in relief as if iniexpect nya na irereject ko sya. I mean, Can I not?
"So, meet you at the venue entrance?" Tanong nya at tinanggal yung braso nya sa balikat ko.
"Sure." Bago sya umalis, kinindatan nya ko at dumiretso sa grupo ng mga kaibigan nya.
Fuck, ang awkward ng usapan na yun ah. Pero di ako makapaniwala na nakikipagusap sakin ulit si Elliot. Nung first year kasi nung highschool, it's like love at first fight, yes fight, lagi kasing nangangasar at nangungulit then naging MU kami. Ilang beses na nya tinanong kung pwede nya kong ligawan pero tinurn down ko dahil bata pa kami at studies first. Nalungkot nga lang ako dahil ang bilis nya makahanap ng girlfriend nung sinabi ko fourth year pa nya ako pwede pigilan.
Bumaba ako ng hagdan at agad agad hinanap si Yvonne. Nakita ko sya sa cafeteria nakikipagusap kay Allie, isa pa naming bestfriend.
"Guys!" Sigaw ko, gaining their attention. Si Yvonne tumingin na may halong amusement sa kanyang mga mata at si Allie, confused as always.
"Parang flustered si ateng natin ah, What's the deets?" Tanong ni Yvonne at nagtaas ng kilay, mocking me.
"Tinanong ako ni Elliot sa prom." Bulong ko, takot na pag nalaman ng mga fangirls nya, bigla akong ambushin.
"Ano? wala akong naririnig!" Sabi ni Yvonne. Si Allie naman biglang sumigaw, "EEEEEEEKKKK!!! MAY DATE NA BESSY NAMIN!"
Tinakpan ko agad bunganga ni Allie dahil maraming estudyante ang tumingin samin. Hinila ko silang dalawa sa classroom.
"So, anong kulay ng dress mo? I'm thinking kulay red sakin." Allie babbled on.
Hinilot ko nalang sintido ko dahil sa mga bestfriends ko. I love them to pieces pero minsan kailangan nila manahimik, marami na silang nalalaman.
"I'm so excited!" Sabi ni Yvonne then tumunog cellphone nya, signalling a message. Nilabas nya ito at tinignan, "Oh my god! Tinext ako ni Parker!" She exclaimed at nilagay yung cellphone nya sa mga mukha namin,
'Wanna go to prom with me?' -Parker
"Kilig naman sya." Sabi ko, di mapigilan yung ngiti na nasa mga labi ko. Ang saya ko para sa aking mga bestfriend, pero si Allie nalang walang date. Nung tinignan ko yung mga hallway, nakita ko crush ni Allie, si Rand. May hawak syang bouquet of roses at para bang may hinahanap, tingin sya ng tingin kung saan saan pero naglock ang mga mata nya nung nakita nya si Allie. Naglakad sya at pumasok sa classroom namin. Nag-yiee ang lahat ng babae sa classroom, of course kasama kami ni Yvonne.
"Wanna go to prom with me?" Tanong nya at binigay yung mga roses.
"Yes!" She exclaimed happily at tinanggap yung mga roses.
"I'll pick you up at six, be ready." Ang tanging sinabi ni Rand at kinindatan si Allie bago umalis.
"YIIIIIEEEEE!!" Asar namin ni Yvonne sa kanya at lahat kami nagtawanan.
*Prom Night*
Dito ako nakatayo sa venue entrance ng prom namin, sila Yvonne hinintay ko at syempre si Elliot. Nung naalala ko na tinanong ako ng crush ko sa prom, I felt giddy all of a sudden, butterflies erupting in my stomach. Just the thought of dancing with him makes my heart flutter.
May dumating na black na kotse at lumabas si Allie, nakared na ballgown, syempre extravagant, si Allie pa eh. Inoffer ni Rand ang braso at kumapit si Allie. Nung naglalakad sila papunta sa loob, nakita ako ni Allie.
"Oh, bat ayaw mo pa pumasok?" Tanong nya.
"Inaantay ko pa si Yvonne." And waved her off, gesturing na mauna na sila. Allie just nodded and entered the venue.
Nakakabored naman dito, ang tagal ni Yvonne at lalo na si Elliot, you should'nt make a lady wait. Saktong nagiisip ako ng mga ways para e-interrogate si Yvonne kung bakit ang tagal nya, may nagstop ulit na black na kotse at lumabas si Parker, pumunta sya sa kabilang side at binuksan ang pinto, lumabas si Yvonne in simple black dress.
'Very Yvonne' I thought.
Inoffer ni Parker ang braso nya at kumapit si Yvonne. Nung napansin nya ko, niyakap nya ako at binulong, "he's worth the wait." At bago sya pumasok, kinindatan nya lang ako.
Nung another fifteen minutes na ang nakalipas sa kakaantay, naisip ko na siguro nagback-out si Elliot. Panget ba ako? Hindi naman ako siguro hideous, nakasuot ako ng simple, off-shoulder, A-line dress at nakaelegant bun ang buhok ko. Darn, baka di bagay sakin tong suot ko.
Habang sinisipa ko ang mga bato sa lapag to get rid of my boredom, may nagstop na white car sa harap ng entrance.
'Please naman, sana sya na to.' Hiling ko sa utak ko, at wish granted, sya nga, looking as handsome as always. Napansin nya ako at nginitian ko sya. Papalapit na ko nung nginisihan nya ko. Napahinto ako sa paglalakad nung binuksan nya ang passenger door at may lumabas na babae, si Audrey, a.k.a my mortal enemy. Napanganga ako sa gulat at sinamaan ko sya ng tingin, nasense nya siguro na nakatingin ako sa kanya dahil tumingin rin sya sakin at nagsmirk. Pumasok silang dalawa without even a single glance kay Elliot.
I felt heartbroken all of a sudden, pathetic kasi di naman kami diba? Gusto tumulo ng mga luha ko pero pinigilan ko dahil ayaw ko umiyak in front of this heartless bastard. Pumasok ako sa venue with my head held high at hinanap lamesa nila Allie.
Nung nakita nila ako, agad nilang tinanong kung nasan date ko, sinabi ko nalang na wag na namin pagusapan. Them sensing my bad mood, nagchange topic nalang.
Throughout the event, I am ashamed that I kept glancing sa lamesa nila Elliot, kahit niloko nya ko. Napansin ni Yvonne yung mga stolen glances ko sa kanila so sinermonan nya ko na he's a douch and stupid for picking Audrey instead of me. I just gave her a sad smile at niyakap nya ko.
After ng prom, syempre may after party.
'Ito na ang chance ko para makausap yung letcheng yun.' Isip ko at hinanap sya. Nakita ko sya bar, buti nalang na wala si Audrey kundi mga kaibigan nya lang.
"Padilla!" Sigaw ko papunta sa bar. My shout gained their attention at nagsmirk sya sakin.
"Bakit MacMillan? May problema ba tayo?" He asked innocently.
"I can't believe na pinaasa mo ko!" Lumaki pa lalo ang smirk nya at binigyan sya ng five hundred pesos ng mga kaibigan nya.
"Can't you see it's all a bet?"
YOU ARE READING
Forced Comeback
RomanceTalia and Elliot. Two people who were in a past relationship with each other are forced into an arranged, loveless marriage. Loveless nga ba kung hindi naman nawalan ang feelings ng isa? Itong kasal ba nila ang magbabago sa pilosopiya ni Talia sa pa...
