I begrudgingly followed him papasok sa amusement park."Uy, ngumiti ka naman dyan oh, nasa loob tayo ng isa sa mga masayang lugar sa city." Sabi nya nung napansin nya akong napipilitan lang expression ko.
"Pwease?" Baby talk nya sakin habang kinukurot pisngi ko.
Binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti, closed eyes and all. He seemed satisfied with what I did.
"Tara! Sakay tayo sa rides!" Yaya nya na parang batang excited. He looked adorable. Shh, wag nyo sabihin sa kanya kundi I will never hear the end of that.
"You know, mahirap sumakay or maglakad ng mahaba with these heels right?" Remind ko, pointing at my shoes.
"Nubayan kasi MacMillan, bad shoe choice," Sagot nya, with mock disappointment, "Hmm, tignan natin no, baka may emergency shoe store sa amusement park na to'."
I rolled my eyes at his obvious sarcasm. I'd be surprised kung meron ngang ganun dito.
"Ay! You're lucky!" Agad syang bumalik sa kotse, rummaging through his trunk and pulled out a pair of flat shoes.
"Kanino naman yan? Sa girlfriend mo?"
"Oy hindi ah! Kay ate to', meron syang ganto sa lahat ng kotse namin for emergencies like this." Sabi nya at nilapag ang sapatos sa tapat ko,"Ang tanong, kasya ba sayo?"
Won't you look at that, it fits like a glove.
"Now that your problem is settled, can we go na?"
"Sure."
Naglakad kami paikot ng park, looking at all the game and food stalls. Nakakatakam nga yung cotton candy na nadaanan namin eh.
"So, ano ang una nating gagawin?" Tanong ni Elliot habang naglalakad kami.
"Hmm, how about ikaw magdecide? Ikaw ang may 'experience' sa mga ganto diba?"
Nag-isip sya, with matching finger tapping sa baba nya, hanggang sa maglight-up ang mukha nya na parang may light bulb na sumindi.
"Sakyan natin yun oh!" Turo nya sa likod ko, which turns out to be-
"Ano!? Baliw ka ba!? Sa tingin mo kaya ko sumakay sa roller coaster?" Sabi ko at sinamaan sya ng tingin.
"Bakit? There's a first for everything diba?" Nagawa pa nyang ngumisi.
"Pfft, parang ako, first time masaktan." Bulong ko sa hangin
"Ano sinabi mo?" Bigla syang napatingin sakin.
"Ahh, wala. Sige na nga, tara na." I said with a forced smile at hinila sya papunta sa coaster.
Okay, nung hinila ko sya hindi ko naman dapat seseryosohin sumakay, pero ngayong nakaupo na kami at naka-seatbelt, nagsisisi na ako.
"Bat ba natin naisipan to' Padilla?"
"I dunno 'bout you pero trip ko talaga sumakay dito. Bakit? Nagsisisi ka na? Eh ikaw pa ngang humila sakin." Sagot nya sabay tumawa.
Sasabat na dapat ako ng biglang umandar ang sinasakyan namin pataas. Hindi ko talaga kaya sumakay sa ganto kasi pagdating sa 'drop' parang literal na mahuhulog kaluwawa mo palabas ng katawan mo.
During sa paakyat, hindi ko namalayan na hinawakan ko kamay ni Elliot.
"Ang lamig ng kamay mo ah?"
"Ha? Eh panong di lala- AAHHHHH" Saktong bumaba yung sinakyan namin kaya puno ng tili ang maririnig, kasama na ako dun syempre.
"I HATE YOU TALAGA ELLIOT!" Sigaw ko nung umakyat ulit ang cart.
YOU ARE READING
Forced Comeback
RomanceTalia and Elliot. Two people who were in a past relationship with each other are forced into an arranged, loveless marriage. Loveless nga ba kung hindi naman nawalan ang feelings ng isa? Itong kasal ba nila ang magbabago sa pilosopiya ni Talia sa pa...