"Mom, bakit mo ko tinatawag?" Tanong ni Taliana, paglabas ng kuwarto nya."Talia, meron kaming sasabihin ng daddy mo." Sagot ng mommy nya at ngumiti sa kanya. Napansin ni Taliana na may kalungkutan sa expression ng mommy nya. 'Shet, parang ayaw ko yung mangyayare ah.' Isip ni Taliana habang hinila sya ng mommy nya papunta sa dining table.
Pagupo, nakita nya daddy nya nakaupo na at may binabasa na mga papel. Nakuha nila yung atensyon ng daddy nya pagupo nilang dalawa.
"Dad, anong meron?" Tanong ni Taliana na may halong takot sa kanyang tono. Huminga ng malalim daddy nya at napatingin sa mommy nya.
"Nak, meron kaming sasabihin sayo. Pero ieexplain muna namin bago ka magreact ng pabalang." Sabi ng mommy nya at tumingin sa kanya pleadingly. Tumango nalang si Talia, signing her to continue.
"Alam mo yung mga time na nasa abroad yung daddy mo?"
"Opo, sya yung breadwinner natin diba.?
"Well, diba trabaho nya dun designer ng isang companya? Sa totoo lang, kaya lang sya nasa abroad kasi meron tayong sariling business internationally at nandun sya para, you know, conduct business."
"So anong meron? Edi maganda diba?" Tanong ni Talia obviously confused.
"Alam mo yung companya na Pavlovine Industries Co.?" Daddy naman nya nagtanong.
"Of course, sinong di nakakaalam? Yun yung isa sa mga pinaka successful na companya."
"Tayo nagmamay-ari nun." Talia felt giddy all of a sudden. Hindi nya ineexpect na tatay nya pala may-ari ng companya...which meant,
"Mayaman pala tayo all this time?"
"Oo," sagot ng mommy nya then pinatong nya kamay nya sa ibabaw ng kamay ni Talia na nakapatong sa lamesa, "Pero nagdecide kami ng daddy mo na palakihin kayo sa simpleng lifestyle. I hope you understand." Tumayo si Talia at hinug mommy nya.
"Thanks mom na pinalaki mo kami ng ganto. Pero anong connect ng sasabihin mo sakin ngayon?" Umupo sya ulit at tumingin sa magulang nya.
"Willing mo ba kaming tulungan?" Tanong ng mommy nya at tumingin sa daddy nya.
"It depends, ano ba kailangan kong gawin?"
"Well, meron kasing gusto makipagpartnership sa atin,"
"That's good diba?"
"Pero in one condition..." Her dad trailed off then tumingin sa mommy nya.
"You have to marry their son."
![](https://img.wattpad.com/cover/176891329-288-k466203.jpg)
YOU ARE READING
Forced Comeback
RomanceTalia and Elliot. Two people who were in a past relationship with each other are forced into an arranged, loveless marriage. Loveless nga ba kung hindi naman nawalan ang feelings ng isa? Itong kasal ba nila ang magbabago sa pilosopiya ni Talia sa pa...