Wedding Plans | Chapter Three

48 1 0
                                    


"Taliana!"

Bumalik ako sa ulirat nang may sumigaw ng pangalan ko, si dad.

"Good, you're back. Now stop daydreaming at pirmahan tong contract." he strictly said at binigyan ako ng ballpen. Tinignan ko ang papel at nakita na pumirma na pala si Elliot, lahat sila nakatingin sakin with hopeful eyes. I could just destroy their hope at tumakbo papalabas ng resto pero I'm too furious at my parents for making me sign this. Gusto ko nang punitin tong papel na nasa harap ko pero ayaw to' ni dad at baka hindi na ibigay ang companya na lifelong dream ko.

Agad agad kong pinirmahan at nakarinig ng mga sigh of relief.

"Now it's settled. The wedding will be held two weeks from now and --"

"Two weeks!" sigaw namin ni Elliot.

"Yes two weeks because we should do the wedding quickly so the companies can merge early. The investors are waiting for it, in fact, they said that you," gesturing kay Elliot, "are too rough and they got the gist of your playboy ways. They thought that you would just run the company to the ground. I just saved your ass by saying that you're actually engaged and about to be wed soon." his father said strictly, his eyes saying, 'one wrong move and you're dead to me.'

Napalunok nalang si Elliot at tumahimik sa inuupuan nya. Nung nagpaplano na sila para sa kasal, excited ang mga nanay namin, sila dad naman may mga tinatawagan, I'm assuming na mga investors dahil sinabi nila na ang wedding is on the go.

Fuck, ang awkward naman dito. Lahat ng magulang namin may ginagawa at iniwan kaming dalawa dito na nakatunganga.

"Soo..." simula ng katabi ko.

"Don't talk to me." I hissed at him. Patayo na dapat ako sa lamesa para umalis nang may humawak sa braso ko, obvious naman kung sino diba?

"Wag mo ko iwan dito please?" he pleaded na parang bata, kala mo naman may mangyayare sa kanya pag iniwanan ko sya dito.

"Ang laki laki mo na Elliot. Wag ka ngang isip bata. Meron ka nang companya next year." Sabi ko at aalis na talaga dapat nang hindi nya binibitawan braso ko.

"Pwede akong sumama? Kung san ka man pupunta please?" hirit nya at nagpuppy eyes. Di ko napigilan tawa ko dahil mukha lang syang tanga, at pinicturan ko sya habang nakaganun na mukha.

"Wehh, wala na." sabi nya na may ngiti sa labi.

"Papayag ka pumunta sa opisina namin?" tanong ko, fuck, bakit ko kinoconsider na sumama sya sakin?

"Arat na, tsaka way na rin natin to' para mag "bonding"" sabi nya at dali dali akong hinila papalabas ng resto at dumiretso sa valet.

Binigay ng valet ang susi ko at nagdrive kami papunta sa MacMillan Industries Co. Obviously, pag punta maraming  nakatingin samin or should I say sa kanya. Well, pogi siya, matangakad, maputi and of course mayaman and famous. I knew bringing him here is a bad idea, so I quickly told him to get his ass on the elevator and told my employees with a sweet smile,

"Isn't it bad to stare at your boss' fiancé, knowing that some of you have boyfriends or better yet, married? Go back to your work now! And if I ever see you again staring at him you'll be fired!"

Lahat sila syempre nagsingbalikan sa kanilang mga desks at nagtrabaho. I couldn't believe na tumitingin sila inappropriately, may I add, sa ibang lalake lalo na meron na silang kanya kanyang boyfriend at asawa? Mga babae talaga pag nakakita ng gwapo.

Umakyat ako sa private elevator at kinuha ang tubigan ko sa bag para uminom habang nagaantay sa aking designated floor. To be honest, ngayon ko lang nasigawan ang mga employees, sure, they are good employees and do their work efficiently and quickly, pero kung lagi nalang sila titingin sa fiancé ko without me giving them warnings, lagi lagi nalang nila gagawin yun.

Nagding ang elevator at nagbukas. Lumabas ako at nakita ko si Elliot na nasa sofa, kinakausap si Thomas, isa sa mga employees. Nung napansin ako ni Thomas, nakita ko syang lumunok at siguro nagpaalam na kay Elliot dahil agad agad syang umalis. Tumingin sakin si Elliot at nagsmirk.

"Ganun ka pala kastrict sa mga employees mo? Isang tingin mo lang kala mo lalamunin mo sila kung tumakbo." sabi nya nang lumapit ako sa kanya.

"Bakit, hahayaan mo bang magpariwara ang mga employees mo kung pwede naman nilang gamitin ang time na yun para magkatrabaho, which is the reason kung bakit sila nandito." I countered back. Ano ba ginagawa nitong lalakeng ito sa companya nya? Hinahayaang magparty ang staff?

Tinaas nya ang parehong kamay nya in a surrender, "Woah, nakikipaglokohan lang ako noh!"

Gumulong lang ang mga mata ko at kinuha ang susi ng opisina ko sa bag. Binuksan ko ang pinto at pumasok.

"Neat freak ka pa rin pala eh." comment ni Elliot pagkapasok.

"Pwede ba, manahimik ka nalang? Kung puro angal at comment ang ipagsasabi mo throughout sa pagsama mo sakin, pwede ka nang umalis." Tumingin ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. Isa sa mga reasons kung bakit bad idea ang pagsama nya sakin.

"Yeko Ms. Bossy." He muttered under his breath at umupo sa isa sa mga sofa. I sighed in relief at umupo sa desk ko to start my day.

Habang nagtatrabaho ako, si Elliot labas pasok sa opisina ko at minsan may dala pang pagkain, which is a big no-no dahil ayaw kong may crumbs at langgamin ang office ko. Kaya nga kami may separate na lunch/ break room para kainan. Ang ingay pa nya ngumuya, kala mo kambing kung kumain.

"Letche naman oh! Kambing ka ba?!" tanong ko nung nairita na ko sakanya.

"Hindi, obviously. Meron bang kambing na kasing gwapo ko?"

Hinilot ko ang aking sentido dahil sa taong ito.

"Pwede ba lumabas ka muna? Dun ka sa break room kung kakain ka at siguro nandun si Thomas kung gusto mo sya kausapin. Meron ring arcade sa third floor kung nabobored ka dito."

His eyes light up in delight nung narinig nya yung arcade. Hay nako, isip bata pa rin, walang pagbabago. Then dali dali nyang kinuha ang bag nya sa likod ng upuan ko at unexpectedly kiniss ang cheek ko bago sya lumabas. Hinawakan ko ang part na hinalikan nya at nagsurge ang mga old feelings ko sa kanya na akala ko tinapon ko na.

Uh oh.

Forced ComebackWhere stories live. Discover now