Bonding | Chapter Four

46 2 0
                                    


Habang nagtatrabaho ako, hindi maalis alis sa isip ko yung halik nya sakin. Ano bayan, akalain mo yun, ganun lang kabalis bumalik feelings ko sa kanya. Akala ko wala na yung mga feelings na yun natapon na dahil niloko nya ko, hindi! It came back and stronger as ever!

Dahil sa galit ko sa sarili ko, mas bumilis at madiin ang pagtype sa keyboard ko na di ko napansin pumasok si Elliot sa opisina ko.

"Oh, ano nangyare sayo? Natatae ka ba?" tanong nya at sinara yung pinto.

I stopped typing and stared at him then crossing my arms. "Ano nanaman ba gusto mo sakin?" At tinaasan sya ng kilay.

"For your information, Ms. Bossy, 6 o' clock na po at gusto ko nang umalis." sagot nya at umupo sa upuan na nasa harapan ng desk ko.

"Dahil may date ka." tanong ko but it came out na parang inaccuse ko sya.

"Yiiiieeee selosa pala si Ms. Bossy eh." asar nya habang nakangiti.

"Taas ng pangarap mo Mr. Playboy." sabi ko at nagsmirk.

"Well, mataas ang building ng companya mo pero naakyat ko. Siguro naman, kaya ko rin akyatin pangarap ko." At kumindat sakin.

I involuntarily rolled my eyes at kinuha ang handbag ko sa hook. "Tara na nga, hahatid kita kung san man date mo."

Narinig ko siyang tumawa habang pinapatay ko ang desktop ko.

Pag tayo ko ay nakita ko siyang lumapit sakin. Umatras ako nang umatras hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko.

We're so close! I thought he's going to kiss me, I closed my eyes but...

"Admit it Ms. Bossy, you're jealous." He whispered to my ears. His voice was husky.

"No I'm not!" Inipon ko lahat ng lakas ko para maitulak siya saka tumakbo papuntang pinto.

Pagpihit ko ng door knob hindi bumukas yung pinto. Pinilit kong buksan pero ayaw talaga.

"It's locked!"

Napatakbo papunta sakin si Elliot nung narinig nya sinabi ko.

"Ano bang klaseng door knob binibili mo? Yung sira?" tanong nya habang tinatry buksan yung door knob.

Yep, confirmed. Bipolar nga tong mokong na to'. Parang kanina nakikipaglokohan kami thus ngayon galit dahil hindi mabuksan yung pinto.

"Saglit nga lang." Nilabas ko ang cellphone ko at tinext ang janitor.

"Ano, mas inuna mo pa yan?"

"Luh, buti nga gumagawa ako ng paraan para makalabas hindi tulad mo, sinisira yung pinto ko." at saktong pagkatapos ko magsalita, bumukas ang pinto. Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at binigay sa janitor at sinabi,

"Palitan nyo ang door knob. Muntikan na kaming maistuck dahil dyan."

Naglakad ako papunta sa elevator nang nakabuntot si Elliot. Pinress ko ang ground floor, then habang nagaantay makababa, nagring ang cellphone ko.

"Hello?"

"Beshywaaaaaappp!!!!" Nilayo ko agad yung cellphone sa tenga ko nung sumigaw yung tao sa kabilang linya, si Yvonne.

"Hi babes, bakit ka tumawag?" tanong ko dahil mukha siyang excited. Napansin ko rin na naging interesado si Elliot sa usapan ko dahil bigla siyang tumingin sakin.

"Well...," nagpause siya, then sumigaw na may kasama pang isa, "ENGAGED KA DAW!?!?" Si Allie pala kasama nito dahil ang tinig ng boses.

"At pano mo naman nalaman? Kanina lang pinirmahan yun ah." Well, not surprising dahil parang nasa FBI yung dalawang yun pag hindi ko pa sila tinatawagan in like, 5 days.

Nagding ang elevator at lumabas kaming dalawa, mata nya hindi pa rin naalis saakin. Ginesture ko siya na mauna na sa kotse at susunod ako dahil i-eend ko pa yung call ko.

"Well bye muna, aalis na ko. Bukas nalang tayo magkita. Same place pa rin. Love you!" ang huling sinabi ko kay Yvonne at in-end ang call. Binalik ko ang cellphone ko sa bag at dumiretso sa kotse, kung saan nakasandal si Elliot.

"So, ano pa tinatayo tayo mo dyan? Arat na, baka malate ka pa." sabi ko sa kanya at binuksan ang kotse.

.-.-.

"So, san tong date mo?" tanong ko sa kanya habang minamaneho ang kotse.

"Bakit ba sabi ka ng sabi ng date? Parang meron kang pinapahiwatig ah." asar nya sakin.

Gumulong nanaman mga mata ko, tignan mo, pag siya kasama ko laging gumugulong mata ko na hindi ko na nabibilang kung ilan.

"Well, ang malas naman ng girlfriend mo." sabi ko at ngumisi.

"Bakit naman? Swerte kaya yun. Pogi at mayaman naman ako."

Napangiti ako sa sinabi nya pero pinalitan ko kagad ng gulong ng mata. Ayaw kong ipakita sa kanya na ako pa rin yung babaeng kaya nyang lokohin pag nalaman nya na gusto ko siya.

Tsaka, ngayon ko lang na realized, bakit ba namin to' pinaguusapan? Diba ikakasal na kami two weeks from now?

"Teka lang ha, bakit ba natin pinaguusapan to'? I mean, diba nakastate sa contract na any current relationship must be broken dahil sa engangement? Di ka pa ba nakikipagbreak? Oh my gosh, parang pinapaasa mo tuloy girlfriend mo at baka magalit pa yun tsaka--"

"Uy, kalma lang baka mamaya i-drive mo yung kotse kung saan saan dahil dyan. Tsaka, wala naman akong sinabi na may girlfriend diba? Ikaw lang nagassume."

Well, tama nga siya. Ako lang nagassume. Wait, shemay. Lumalabas na yung pagiging selosa ko!

"Stop! Dito na tayo!" Biglang sinabi nya at hininto ko ang kotse. Tumingin ako sa gilid at nakita ko na nasa isa kaming amusement park.

"Amusement park? Seryoso ka ba Elliot? Hindi naman tayo bata para pumunta sa mga ganto. We have companies to run."

"Dali naa, ngayon ka na nga lang makakaenjoy ng mga ganito eh. Tell me, kailan huling punta mo sa mga ganito?"

I didn't answer him right away kasi iniisip ko kung kailan nga b ako huling pumunta sa mga amusement park.

"Oh diba, matagal na soo...let's go! My treat, yiiee papayag na yan kasi libre ko." Sabi nya at hinihila ako papasok.

Forced ComebackWhere stories live. Discover now