MHLMTD-25

12.1K 268 1
                                    

MHLMTD-25

MAGGIE'S POV 

Alam niyo iyong feeling na gusto mo talagang ilabas pero 'di mo magawa kasi nahihiya ka. Packing tape! Ang sakit na talaga ng puson ko. Kanina pa kasi kami bumabiyahe at hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ng lalaking 'to. 'Di ko na talaga keri 'to, promise! 

 "Could you please sit properly!" Iritado niyang sita. 

 "Lucas, I can't hold it anymore!" Sigaw ko pa habang namimilipit sa sakit ng puson ko. 

 "What do you mean?!" Tila clueless pa nitong tanong sakin.

"I want to pee!" Nahihiya kong sagot.

"Bakit 'di mo sinabi agad!" Sigaw niya.  

Kabingi din 'to eh. 

 "Nagtanong ka ba ha!" Sigaw ko din.

"Tss! I saw a motel when we passed by over there, wait."  

Kinabig niya ang manibela paliko tapos huminto kami sa isang motel. I think nasa Makati pa din naman kami. Dali-dali na akong nakigamit ng comfort room. 

After a minutes nakahinga din ako ng maluwag. Lumabas na ako at  naabutan ko si Lucas na nakabusangot ang mukha.  

"Problema mo?" Taka kong tanong. 

"Did you pee a thousands of liter?" 

Isang malutong na hampas ang ginawa ko sa balikat niya.

"Anong akala mo sakin? Buong ilog pasig bitbit ko?! Tsk!" Hindi ko makapaniwalang sagot.

Lalabas na sana ako pero hinila niya lang ako pabalik. 

"Are you blind? Can't you see it's raining." Anito.

Napasilip naman ako sa labas. Umuulan nga. 

Hindi Maggie, snow 'yan. Pssh! Lumapit naman samin iyong receptionist. 

"Kukuha po ba kayo ng room Sir?" Tanong pa no'ng babae habang nagpapa-cute kay Lucas. 

Malandi din t'o eh! Humarang ako sa gitna. 

"We are not going to ch-------uhmp!" 

"Two room please." Singit ni Lucas. 

Inalis ko iyong kamay niya na nakatakip sa bibig ko at hinarap siya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Gulat kong tanong. 

"Matagal pa bago tumigil ang ulan. If you want to go out, you are free to go." 

Aba't! Ugh! Kaasar! Napa-cross arms nalang ako. 

"Sir, I forgot to inform you na isang room nalang po ang available." Sabi bigla no'ng receptionist. 

Yes! Hindi na kami matutuloy dito for sure. 

"I'll take it." 

Nawindang ako sa narinig ko. 

"Here's your keys Sir, enjoy your staying." Ani receptionist.

Tulala lang ako habang nakikinig sa kanila. Tama ba ang pagkarinig ko? Kinuha niya iyong room. Packing tape! 

"Maggie let's go!"

Hinila na niya ako paakyat sa ikalawang palapag. 

Oh em gee! Kinakabahan ako. Hindi porke't may gusto ako sa kanya or should I say mahal ko na siya ay  papayag na akong maikama niya. 

MY HANDSOME LOVER [MR. TAXI DRIVER]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon