Characters

33 2 0
                                    

YANNA CORTEZ SMITH

Isang NOBLE (Dating ranker sa kanyang dating paaralan na tumiwalag at umalis ng walang rason) na inilipat ng kanyang mga magulang sa Stanward Academy. Madalas na walang emosyon, tahimik, at mas pinipiling mag-isa sa kadahilanang ayaw niyang magtiwala sa iba o sa kahit na sino sapagkat minsan ng sinira ang kanyang tiwala.
Dito niya kaya matutunan kung paanong magtiwala ulit?

Mae Guevarra Reyes

Dati ng nag-aaral sa Stanward Academy at kabilang sa Gems o sa ikatlong rangko. Isang Senior na hindi na muling sumali sa Grave.
Ano nga kaya ang kanyang rason kung bakit hindi na siya sumali ng Grave upang umangat ang kanyang rangko at kinabibilangan?

Eligcka Gozon Mercado

Nag-aaral sa Stanward at isang MEMBER(Tawag sa mga nasa ika-apat at panghuling rangko). Mula nang siya'y tumuntong ng ikalawang taon sa Junior at nagkaroon ng pribilehiyong makasali ng Grave ay ni hindi niya sinubukan.
Mayroon siyang itinatagong lihim. Itinatago niya ang kanyang tunay na pagkatao at nagkukubli sa likod ng maskara niya.
Ano nga ba ang sikreto niyang ito?

Cheonsa Marquez Suarez

Ipinadala ng mga magulang sa Stanward upang madisiplina at matuto. Masayahin siya at maingay rin ngunit hindi niya nagagawang kontrolin ang kanyang sarili tuwing siya ay nagagalit. Miyembro ng grupong ARROWS(isang grupong nagkawatak-watak pagkatapos tumiwalag at umalis ng kanilang leader). Palaban ngunit madaling magtiwala sa iba. Marunong makipaglaban at mayroong paninindigan ngunit isang pangyayari ang magpapabago ng takbo ng kanyang buhay.
Makayanan kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok na darating sa kanya?

Headmaster Rienia Zheliya Smith Stanward

Sa edad na 24 ay isa ng headmaster ng Stanward Academy, isa rin siyang doktor sa kanyang ipinatayong ospital. Ang kanyang ama at lolo ang nagpatayo at nagtaguyod sa dalawang Akademia na ngayon ay kanila ng minana ng kanyang panganay na kapatid na lalaki, ang STANWARD AT SCORDON ACADEMY.
Siya'y naghahanap ng apat na babaeng estudyante na magrerepresenta ng Akademia para sa isang UNDERGROUND WAR (ANG UNDERGROUND WAR AY ISANG LABANAN SA PAGITAN NG MGA INSTITUTION NA HINDI NASASAKUPAN NG GOBYERNO AT MAY SARILING ORGANISASYON) kasama ang apat ring estudyanteng lalaki ng Scordon Academy.
Mahanap niya kaya ang apat na ito?

We Are OneWhere stories live. Discover now