Yanna's POV
"Malayo pa ba kuya Sy?"
Tanong ko kay kuya Symon, siya kasi ang maghahatid sa akin sa SA. Well, obviously, papunta na kami sa Stanward, kailangan ko pa kasing ayusin yung mga gamit ko sa magiging dorm ko, and I wanna be familliar with the grounds, structures and buildings of the school. Nakakahiya namang mawala doon, lalo na sa pasukan."We're here."
Napatingin ako sa bintana ng kotse ng sabihin ito ni kuya Symon.
"Pinapa-alalahanan kita Yanni, wag kang basta-bastang nagtitiwala, ingatan mo ang sarili mo, umiwas ka sa gulo, and please, ngitian mo naman sila para naman maganda ang impression nila sayo."
"Kuya, alam mong hindi ko ugali ang ngumiti at makipag-plastikan at alam mong ayokong nakikipag-usap sa hindi ko kakilala, sa inyo lang ako nila mommy, nagpapakita ng emosyon."
"Basta, mag-iingat ka, nai-enroll ka ng mommy at daddy mo, ihahatid kita sa lobby ng dorm para unahin mo ng ayusin ang mga gamit mo, pagkatapos ay dumiretso ka ng Council's Office, hihintayin kita doon. May mga kailangan kang asikasuhin doon."
Tumango lang ako, yumakap na rin ako kay kuya at binulungan siya.
"Thank you kuya, ikaw rin mag-ingat ka, I love you."
Bumitaw na kami sa yakap, at nag-umpisa na siyang magdrive ng kotse papasok sa main entrance gate ng Academy. Huminga ako ng malalim at saka bumulong sa hangin.
"This is the beggining."
¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤Pagbaba ng kotse ay inihatid nga ako ni Kuya Symon sa lobby ng dorm, napakalawak at napakaganda ng dorm ng SA, maging ng grounds nila, hallways, pati na ng buildings, ngunit hindi ko pa nakita ang kabuuan ng Academy,ang mga nakita ko lamang ay ang mga nadaanan namin papunta ng dorm. Mukhang tama ngang ngayon ako pumunta dito, mag-aayos pa ako ng mga gamit sa dorm ko at lilibot sa buong Academy.
Habang kausap ni kuya ang nagbabantay sa lobby, at siya rin atang tagapag-bigay ng susi at card ng bawat dorm pagdating namin ay napansin kong mula pagpasok namin ay napapatingin ang mga estudyanteng naririto kay kuya Symon. Pagbalik ni kuya sa pwesto ko ay napansin niya ata ang ginagawa kong pagmamasid sa paligid."Huwag mong pansinin ang mga titig nila, minsan lang kasing may guro dito sa Academy na pumasok at pumunta dito sa dorm ng mga estudyanteng walang rangko o bago pa lang."
Tumango lamang ako sa kanyang sinabi at inilahad ang aking kamay para sa susi at card ng dorm ko.
"Sa 4th floor and dorm mo, mage-elevator tayo, sa dorm number 93 ka, hiniling ng daddy mong wala kang kasama sa dorm kaya naman mag-isa ka lang ngayon. Wag mong wawalain ang susi lalo na ang card, identity mo lang ang laman ng card na yan, siguraduhin mong nakatago at ingatan mo iyan."
Ibinigay niya na ang susi at card at naglakad na kami papuntang elevator.
Pagbukas ko ng pintuan ng dorm, napansin kong napaka-ganda ng kalidad ng mga materyales na ginagamit nila at binibili para sa Stanward, marami akong naririnig patungkol sa SA, lalo na ang limang taon nitong hindi pagsali ng Underground War. And speaking of Underground War, I heard SA is looking for Wardians(tawag sa mga estudyante ng SA) who are going to join the team for the Underground War and there's only one way to have the chance to be a representative, it is the Grave. And I don't know why but everytime I hear the words Underground War and the Grave, it makes my heart beat fast, and it sends thousands of shivers down my spine. I don't know, maybe because of the adrenaline rush of this two games that I feel.
YOU ARE READING
We Are One
Ficção GeralStanward Academy. An all girls school. A different all girls school. The only academy that is looking for four outstanding students to represent the academy for an underground battle. FOUR DIFFERENT GIRLS. FOUR DIFFERENT CHARACTERS. IN ONE GAME...