PROLOGUE

40 2 0
                                    

Author's POV:

~Headmaster's Office~

"It's been 5 years since Stanward joined the Underground War." Ani Headmaster Zhie habang nakatanaw sa bintana ng kanyang opisina kung saan matatanaw ang kabuuan ng Stanward Academy.

"That's why you need to start looking for four school representatives. Wala na akong problema para sa laban, mayroon na akong apat na representante." Sagot ng kaniyang kausap na siyang Headmaster ng Scordon Academy, na kaniya ring nakatatandang kapatid at kuya, ito rin ang panganay sa kanila, si Headmaster James.

"Sila Bryle ba?" Tanong ni HM Zhie. "Wala ng iba, sila lang naman ang maaari nating pagkatiwalaan." Sagot ni HM James. "Just make sure na magkakasundo-sundo sila ng apat na representative ng Stanward, lalo na't alam nating pareho kung anong ugali ng apat mong alaga." Babala ni HM Zhie kay HM James. "Pwede naman siguro nating ayusin ang parteng yun? Hahaha!" Tumatawa ngunit nag-aalala ring tugon ni HM James. Napahinga na lamang ng malalim si HM Zhie. "Let's just wait and see."

¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Yanna's POV

Tok! Tok! Tok!

"Maam, pinapatawag po kayo ng inyong Daddy, may pag-uusapan daw ho kayo." Ani ng katulong habang ako'y nakahilata at nagpapahinga pagkatapos sumayaw. "Bababa na ho ako" lamang ang aking naging tugon. *Ano nanaman kayang kailangan naming pag-usapan, napapadalas ata ang mga paganito nila Mommy at Daddy?*

Pagbaba ko ng hagdan ay sinalubong ako ni Mommy. "Yanni, darling, we need to talk about something." Ani Mommy. Tumango lamang ako at sumunod na sa kanya papunta sa office ni Daddy. Kumatok si Mommy upang agawin ang atensyon ni Daddy na nakatutok sa kanyang laptop. He looked at us and motioned us to come near him and sit. "Ehem...Yanna, anak, your Mom and I decided to transfer you to another school." Nagulat ako at napatingin kay Daddy pagkatapos niya itong sabihin. "Why?" I looked straight at them. "At saang paaralan niyo naman ako ililipat? Nasa last year na ako ng Junior Dad, hindi ba pwedeng sa Senior ko nalang?" Laking pagtataka at pagtutol ko sa kanilang desisyon.   "Sa Stanward Academy ka namin ililipat, mas magandang ilipat ka namin doon, at doon ka na mag-aral dahil mas mababantayan ka namin, mas matututukan ka rin, nandoon naman ang iyong Kuya Symon, wala kang dapat ipag-alala." Ani Daddy. "Hayss, ano pa nga bang magagawa ko, nakapagdesisyon na kayo. Sana lamang talaga ay maging maayos ang pamumuhay ko roon." Tanging naisagot ko pagkataos ng mahabang pakiwanag ni Daddy. Niyakap at nginitian ako ni Mommy. "You'll be good and fine there😊." Ani Mommy.

¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Mae's POV

"Muff...Muff...Muff." (humihingal habang sumusuntok sa punching bag) "Mae,  pinapasabi ng tito mo na kailangan mo ng maghanda para sa pagpunta mo sa SA upang ayusin ang mga gamit mo sa Dorm." Tumango lamang ako at sinenyasan na siyang umalis.

Magagawa ko rin kayong maipaghiganti.

-Dinner Time-
"Sasali ka ba ng Grave para sa taong ito?" Tanong ni Tito sa akin. "Opo" "Wag kang mag-alala paniguradong magagawa mo ring makalipat at mapunta sa pinakamataas na rangko, mapapatalsik mo rin ang anak ng pumatay sa iyong mga magulang." Nginitian niya ako at siya'y tumayo upang ako'y yakapin. "Pangako tito, thank you very much and I love you."

¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Eligcka's POV

"Eligcka, kailangan ka daw ni Mr. Santos. Nandoon siya sa kanyang opisina." "Sige pupunta na ako."

Pagdating sa harap ng pintuan ng opisina ni Mr. Santos ay kumatok ako at bumati sa kanya. "Goodmorning Mr. Santos, ipinatawag niyo raw ho ako." "Goodmorning too Ms. Mercado, kailangan ko ang mga papeles ng bawat Org ng mga MEMBERS, maaari mo ba itong kunin  sa opisina ni Mr. Villanueva?" "Sige po Sir." "Pakilagay na lamang ang mga iyon sa ibabaw ng aking lamesa, at pupunta lang ako saglit sa opisina ni HM." Nag-bow ako at umalis na.

Nasa opisina na ako ni Mr. Villanueva at kasalukuyang hinahanap ang mga papeles ng may mahulog na folder na  naglalaman ng listahan ng mga pangalan ng mga estudyante, nasa unahan ng listahang ito ang mga apelyidong Smith at Villanueva.
*Nakakapagtaka naman, ka-ano ano kaya ng Headmaster at ni Mr. Villanueva ang mga ito.* Ipinag-sawalang bahala ko na lamang ang mga ito at tumuloy na sa pagbalik sa opisina ni Mr. Santos upang ihatid ang mga papeles.

¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Cheonsa's POV

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na tumigil ka na sa pagsama sa grupong iyan, wala silang maidudulot na maganda sa iyo!!!" sigaw ni daddy sa akin. Sino ba naman kasing magulang ang matutuwa kung ang nag-iisang babaeng anak mo ay nakikipag-basag ulo at sumasama sa mga lalaki. "Ililipat ka na namin sa Stanward Academy and you don't have a say on that! Tignan natin kung umubra ang katigasan ng ulo mo doon!" I just nodded and turned my back away from them. I started to walk on the stairs. "Onsa, hindi pa tayo tapos mag-usap, bumalik ka ditong bata ka!" Hindi ko na siya pinakinggan at tumuloy na lamang ako sa aking kwarto. Narinig ko na lamanv ang sigaw at paglalabas ng galit ni Daddy. I'm used to them being like this, akala mo naman ay may oras sila para sa akin, puro sila trabaho at pera.

"Hmmmm....STANWARD ACADEMY, let's see what's with this friggin school." Itinipa ko ang pangalan ng paaralang ito at  nagsimulang magresearch at mangalap ng impormasyon patungkol sa paaralang ito.

¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤

Author's POV

"Sino kayang makakasama natin para sa underground war,  narinig ko kay HM na naghahanap na daw sila." Tanong ng isa sa tatlo nitong kasama. "Sana matino at hindi puro make up ang alam." Ang sabi naman ng isa. "Sana nga para hindi pabigat at ng may maitulong." Pagsang-ayon ng isa. "Tumigil na kayo diyan, unahin niyong isipin kung paano tayo makakatagal at mabubuhay doon." Pagpapaalala ng tumatayong lider ng grupo nila. Nagsitanguan na lamang sila at itinuloy na ang kanya-kanyang ginagawang pag-eensayo.

We Are OneWhere stories live. Discover now