4. Stare at him for a minute
The Moron 5 are sitting in the bench in the garden at the front of the room. I can clearly see Legolas' sexy back from my position inside the four-cornered room of ours.
Tinitigan ko likod niya for about a minute. Hehehe kung nakaharap sana sila edi mukha niya matititigan ko ang kaso ay hindi.
Tinitigan ko ulet siya for about 2 minutes naman. Naniniwala ako dun sa unexplainable force na dala ng titig ko. Alam niyo yung telekinetic power? Parang ganun yun. You just have to focus and concentrate to your target then you'll see.
Medyo sumasakit ng mata ko pero keri lang.
Isa pang titig tapos pag bokya pa rin edi mamayang hapon naman ulet.
HAHAHAHAHAHA I'm gone insane here.
Never in my wildest dream did I ever imagine liking a guy like this!
For pete sake I sounded like a man!
Ayan! Ayan! Hinahanap na niya yung nakatingin sa kanya!
HAHAHAHAHA Ang sarap! Para kang nang gu-good time slash nananakot ng tao.
Akala niya siguro may taong nagmamanman sa kanya.
Yung tipong sinusubaybayan bawat galaw niya. Hahahaha
Hindi ako stalker ha, SECRET ADMIRER lang. Wag kang ano!
Nagpasimple akong nagbabasa ng module ko tapos nung di na siya nakatingin tumitig ako ulet.
Gusto ko tuloy kantahin yung may gantong lyrics.
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim 🎵
Alam niyo yun? Kung hindi try niyong hanapin sa mp3 skull or sa youtube lang. Maganda siyang kanta, kapanahunan pa ng Cueshe at Hale hehe.
Bagay siya kay Legolas habang natotorete siya. Goosebumps?
Tumitig ako ulet then after ilang minutes hinahanap na naman niya kung sino yung tumititig sa kanya intently. Palinga-linga siya. Tapos nung titingin na siya sa loob ng room e nagkunyari akong nagbabasa ulet ng module.
HAHAHAHAHAHAHA
Sakit na ng tiyan ko! Pft!Lam niyo, inulit ulit ko yun maghapon. Kamot ng kamot na siya ng ulo kase naiinis na siya.
Tapos noong uwian na ng hapon around 5 pm busangot na masyado si Legolas.
HAHAHAHAHA Hindi niya kase ako nakikita. Talented ako e, magaling ako sa gan'to kahit first time ko kase nga malapitang pagtitig.
Kitang-kita ko yung mabilis niyang lakad pauwi.
See you tomorrow my love. Mangingilabot ka sa buong linggong to kapag hindi mo pa rin ako nahanap. Mapapasa akin ang huling halakhak like HA not HA HA HA kase nga last laughter daw!
[ ✔ ] 4. Stare at him for a minute
This is quite a tiresome time of my life. I'd been dizzy the whole day. I have to sleep now. Goodnight!
- - - - - - - -
BINABASA MO ANG
The Fall With Legolas
RomanceThis is based on a true love story. On how a 16-year old girl fell inlove with a stranger. This is a high school love story, typical and natural then afterwards, life just turn upside down leading both to a twisted fate.