Four

13 9 1
                                    


Puchampiso once again! Dedma lang siya kaya di na ko nagtanong ulet. Baka magyelo ako sa lamig ng tingin niya! So umuwi na ko.







Nung hapon, pumasok na din yung subject teachers namin nagdiscuss and naglesson and nagbigay assignments. Another typical day.








Fast forward ...







Okay. I'll admit it. Naiintimidate na nga ako kay Legolas! Mag wa-one month na pero wala pa ring improvement yung relationship namin as classmates. Echos lang para maganda pakinggan! 😂






Sobra na kong nakocurious aa. "Curiousity kills the cat" buti na lang hindi ako meow 😂





Mr. Friendship na nga ibibigay kong title sa kanya! Ang ganda na ng friendship nila e. What a circle of friends. Duh? Am I an exception? Ampanget! Bakit di pa rin kami friends?







Kaya ayun, pinagbutihan ko na lang ang pag-aaral at the same time pinagbutihan ko ang pakikiramdam sakanya. Amputa Legolas! Anak ka nga ng nanay mo! Ang arte! Choosy ka pa. Sa ganda kong to echapuwera lang? Tsk!








One time hehe one moment in time. Jks!








Ayun ulet. May isang  mahabang furniture sofa na walang sandalan na  ewan dun sa likod. Andun sila Legolas nakaupo kasama mga prengs niya. Sila Nilo, Christian, Angelo, and Joenard. Lahat sila may itsura.







Nahalata ko ang feslak ni Christian nung Grade 8, hawig siya kay Shane ng Westlife. si Angelo naman nung G9, Rudy Fernandez dating niya saken.








Si Nilo hawig kay Zayn Malik ng One Direction. Si Joenard hehe tao siya, may mukha obcurs! Tapos si Legolas, ay ewan mahirap siyang idescribe! Hindi kami bati.









Uso noon yung mga banat and pick up lines. Lam niyo na ang kokorni ng mga manong na to! Sayang ng mga mukha corny naman ng jks. Nakakaturn off HAHAHAHA










Dumaan ako dun sa pinagtatambayan nila sa loob ng room tapos tinawag ako ni Legolas.










"Pst! Maurice." Tokneneng for the first time in history tinawag niya ko! Lam niyo yung parang may butterfly in stomach? Andami daming paru-paro akong nararamdaman sa tiyan ko that very moment he said my name. My name feels like heaven nung siya ang nagbanggit.









Tapos syempre hindi ako nagpahalata na nasa shocked stage pa ko. Baka isipin ng mokong na to na type ko siya! Duh?






"Oh?" Yan lang nasabe ko.










Ito ang sinabe niya.


"Maurice may AIDS ako."
Like duh? Edi wow. Pakboy ka siguro! Syempre nagkunyare akong hindi affected kaya ang sabe ko naman.









"Hehe AIDS doesn't matter." Tapos nagtawanan silang lima. Edi kayo nang masaya!









Sabe pa niya. "May AIDS nga talaga ako."














"Oh ano nga yun?"- ako











"May AIDS ako. Ako'y Inlove Dahil Sayo" sabay ngiting malademonyo!









Mas malakas na yung tawanan nung lima. Di ko alam irereact pero honestly kinikilig ako. HAHAHAHAHA Di ko yun pinahalata! Ano siya sinisuwerte? After everything I've been through upon doubting my existence! Hehehe exaggerated naman to.











Nasa isip ko na lang yung words na NICE JOKE ^^ Tapos umalis na ko. Pretending to be unaaffected about what he said.












Ayokong makita niya yung girly and fragile side ko. Syempre babae ako kaya ganun. But I'm proud to tell you na hindi ako yung pakipot na type ng babae. Hindi rin ako pabebe. Kumbaga sa lalake ako yung "maginoo pero medyo bastos type" HEHEHEHE ano may angal ka?

The Fall With LegolasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon