(Tagalog) Isang Taong Pag-Ibig

51 3 2
                                    



Sabay sa putukan ng Bagong Taon,

Pagsabog ng damdamin ko para sa 'yo;


Sa Araw ng mga Puso sinubukang magtapat,

Subalit natakot yari kong puso;


Kaarawan noong Marso, labis-labis ang tuwa,

Nang ibigay ang regalo mong "mula sa puso" kamo;


Nag-Mahal na Araw nang lahat-lahat,

Ngunit 'di pa rin magawang sumuko yaring puso;


Mas mainit pa sa Mayo ang dulot mo sa 'king puso,

Isang ngiti mo lamang, nalulusaw na ako.


O, Julie kong mahal, ako ba'y paluluhain mo,

Tulad ng pagbuhos ng ulan sa buwan ng Hunyo?


O sa pagsapit ng buwan ng Hulyo,

Magdiriwang pa rin, masaya at kasama mo?


Ipagdiriwang ang 'yong kaarawan,

Hanggang sa sumapit ang Agosto;


At sa pagsapit ng umpisa ng Ber-months,

Hindi na mapapakali yari kong puso;


Gusto ko nang magtapat noong Oktubre,

Ngunit ako'y 'yong inunahan nang ipakilala siya sa harapan ko;


Ngiting-ngiti kang nakayakap sa 'yong kasintahan,

Habang sa Araw ng mga Patay na nabibilang yari kong puso.


O kay lamig ng magiging Pasko ko,

Dahil ang aking isang taong pag-ibig,

Tuluyan nang nabigo.


.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.

[[A/N: First posted on my WWO group as part of the 28 days challenge; 02.07.2019]]

Imaged used: tse3.mm.bing.net (credits to the owner of the picture)  

Songs of a Pretty Mystery (A collection of poems)Where stories live. Discover now