(Tagalog) Kung Sana Lang

55 4 0
                                    


Kung maibabalik ko lang sana ang panahon,

Babalik ako kung saan ka naroroon.

Babalik sa masakit na kahapon,

Masilayan ka lamang sa huling pagkakataon.


Kung noon sana'y nalaman ko,

Oras pala nati'y malapit nang maglaho,

Disin sana'y 'di ako naging bilanggo,

Ng mga "kung sana" sa buhay ko.


Kung nalaman ko lang sana nang mas maaga,

Pag-ibig ko sana sayo'y mas naipadama.

Hindi na sana ako nagmatigas pa,

Dahil mahal naman talaga kita.


Kung sinabi mo lang sana,

Buhay mo'y may taning na,

Bago ka sana nawalan ng hininga,

Nagawa ko man lamang sabihing mahal kita.    


.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.

[[A/N: First posted on my WWO group as part of the 28 days challenge; 02.06.2019]]

Imaged used: from zerochan.net (credits to the owner of the picture)  

Songs of a Pretty Mystery (A collection of poems)Where stories live. Discover now