(Tagalog) Tao, Mag-Ingat Ka

56 3 2
                                    

Asul na karagatan pilit mong dinurungisan,

Luntiang kagubatan ay nilalapastangan,

Mag-ingat ka o taong makasalanan,

Dahil pasensya ng kalikasa'y mayroon ding hangganan.


Makailang ulit hinaing sa iyo'y ipinarating,

Ng Abang Kalikasang iisa lamang ang hiling.

Mag-ingat ka o taong laging nakapiring,

Nagbubulag-bulagan sa kaniyang hinaing.


Huwag mong hayaang pasensiya niya'y maglaho,

Dahil hindi mo kakayanin ang ibibigay niyang delubyo.

Mag-ingat ka o taong ayaw magbago,

Baka dumating ang araw, lahi mo'y maglaho.


Kapag kalikasan na ang siyang gumanti,

Walang makatatakas kahit pa isang hari.

Mag-ingat ka o taong iwinaksi,

Uubusin ng kalikasan ang iyong buong lahi.


.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.

[[A/N: First posted on my WWO group as part of the 28 days challenge; 02.11.2019]]

Imaged used: from i.pinimg.com (credits to the owner of the picture)  

Songs of a Pretty Mystery (A collection of poems)Where stories live. Discover now