(Tagalog) Tawanan-Iyakan, Iyakan-Tawanan

44 4 0
                                    


Walang humpay na tawanan ninyong magbabarkada,

Sa kaganapang nakikita, kayo'y nagsasaya.

Sa loob ng lumang palikuran, kayo'y may dala-dala,

Yosi, patalim at isang mahabang batuta.


Hampas dito, hampas doon, nagtatalsikan ang dugo,

Mainit kong luha't pulang dugo'y nagkahalu-halo.

Pagmamakaawa ko'y bale wala lang sa inyo,

Kayong kaklase kong minahal ko nang buong puso.


Basura ang turing ninyo sa isang tulad ko,

Kinaibigan lamang upang tumaas ang inyong grado.

Ngunit, ngayon ako na'y tuluyang nagbago,

Dahil sa inyo'y hindi na ako magpapatalo.


Hawak-hawak ay patalim habang kagat-kagat aking labi,

Pinipigilang mapangiti sa bawat ninyong paghikbi.

Sa bakanteng silid-aralan sa kailaliman ng gabi,

Sisiguraduhin ko sa inyong lintik lang ang walang ganti.


.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.

[[A/N: First posted on my WWO group as part of the 28 days challenge; 02.12.2019]]

Imaged used: from i.pinimg.com (credits to the owner of the picture)

Songs of a Pretty Mystery (A collection of poems)Where stories live. Discover now