(Tagalog) Balang-Araw

38 2 0
                                    


Sa isang sulok ng kwartong madilim,

Ngayo'y nagtatangis, nagkikimkim.

Mga hinanakit kong matagal nang inililihim,

Balang araw, karma sa 'yo'y ipatitikim.


Sa bawat pagsilay ng bagong umaga,

Agahan ko'y iyong pagbubunganga.

Pagmumura mo't masasakit na salita,

Balang araw, para sa 'ki'y magiging balewala.


"Hindi ko magagawa", "Wala akong magagawa",

Mga salitang lagi mo sa 'kin pinamumukha.

Ikaw na dapat sa 'ki'y nakauunawa,

Balang araw, sa akin ika'y mapatitingala.


Magsisikap ako, magtatrabaho't mag-iipon,

Lalampasan ang kahit na anong hamon.

Ipapakita sa 'yo, kahit abutin pa ng ilang taon,

Balang araw, sa kasadlakan ako ri'y makaaahon.


.=*=.=*=.=*=.=*=.=*=.

[[A/N: First posted on messenger. I sent this poem to a friend of mine, Aleah. Then, I posted it on WWO as part of the 28 days challenge; 02.18.2019]]

Imaged used: from adn.i.ntere.st (credits to the owner of the picture)

Songs of a Pretty Mystery (A collection of poems)Where stories live. Discover now