"Okay everyone mayroon tayong late enrollee. Simula ngayon magiging kaklase niyo na siya, please get inside mr. Cruz."
Nagkatinginan kami ng bestfriend kong si Ela dahil sa narinig namin. Late enrollee? Sa sobrang strict ng school namin, natanggap pa siya? Hmm. Weird.
Pumasok naman agad ang isang lalaki. He looks like uh-oh, with his messy long hair, he looks like someone who's afraid with combs. Maputi, matangos ang ilong, okay naman ang mata niya parang sa mga adik lang, mga 5'10 siguro ang height nito at katamtaman lang ang pangangatawan. Mukhang basagulero ah.
Nakatutok lang kaming lahat sa kanya, naghihintay na magpakilala ito.
"Hi. I am Jual Cruz." Maikling pakilala nito.
"Further informations mr. Cruz?" Anito ni Ms. Mangubat.
"Uh- I am from California."
Napa-woah naman kaming lahat dahil sa sinabi niya. Mayaman siya siguro o kaya fluent mag english.
"Okay, parang hindi ready magshare ng informations itong si mr. Cruz. Find your sit Jual and class be friendly to him." Umupo na din si Jual ng makahanap ito ng mauupuan at nagpatuloy na si ms. Mangubat ng lesson namin.
—
"Oy Cris balik na tayo sa room malapit na ang 3rd period natin." Naglakad kaagad kami ni Ela pabalik sa room dahil 5 minutes na lang eh 3rd period na namin.
Nang makaupo kami ay pumasok naman si Bb. Itarulga, Filipino teacher namin.
"Magandang umaga po Bb." Bati namin at agad naman kaming umupo pagkatapos ng pagbati.
"May bagong salta pala sa inyong seksyon, magpakilala ka Ginoo." Napatingin naman kami sa bagong classmate namin.
"Ako po si Jual Cruz" anito
"Maraming salamat, maaari ka ng umupo. Dahil baguhan ka lamang at nakapagsimula na kaming mag aral ng Baybayin. May aatasan na lamang ako na tuturo sa iyo." Tumingin tingin pa si Bb. sa aming lahat.
"Ikaw. Bb. Jacinto tuturuan mo si Ginoong Cruz ng Baybayin at may karagdagang puntos ka ding makukuha."
"Bb. nakikinig kaba?"
"H-Ha? Ay pasensya na po Bb. Ano po ulit iyon?" Nahihiyang tanong ko. I was out in reality for a couple of seconds hehe.
"Ulitin mo Ginoong Cruz" eh? Bakit siya pa ang uulit? Hays.
Nang matapos niyang ulitin ang sinabi kanina ni Bb. ay napalaki agad ang mata ko. Totoo?! Argh bakit ako pa? Gusto ko pa sanang tumanggi pero nagsimula nang magturo si Bb. Hays. Parang adik pa naman ang tuturuan ko.
—
"So ganito yan, ang paggamit ng Baybayin ay may directions kang susundin. By syllables ang paggamit dito. Example ang isusulat mo sa Baybayin ay bulaklak. Bu-lak-lak. Pagkatapos ay kung ano ang symbols ang bumubuo sa bulaklak ay ganun ang isusulat mo..." Nagpatuloy ako sa pagtuturo kay Jual at nasa Library kami ngayon. Pagkatapos kanina namin sa klase ay nagtungo kami kaagad dito.
Hindi naman siya mahirap turuan eh, nahihiya nga lang siya. Syempre ako rin naman pero dahil plus points din naman ito at makakatulong pa ako eh grab na lang ang opportunity na 'to.
"Okay, gets ko na kung paano gawin." Kahit na galing siya sa California eh marunong din naman siyang magtagalog. Mabuti nga para hindi nama dumugo ang ilong ko kakaenglish sa kanya.
3 hours had passed at gutom na gutom na ako. He already know how to, kahit na mahahabang words, phrases at sentences pa ay nakuha na niyang ibaybay ng mabuti.
*Stomach crumbled*
"Hehe sorry." Nag peace sign naman ako sa kanya, dahil napatingin siya sa akin ng tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom. Ughh foods please...
"Gutom kana pala. Sige tama na muna ito. Salamat nga pala ha." Kaagad ko namang niligpit ang gamit ko at tumayo na. Argh. Im sooooo hungry na!
"Sige. Welcome. Alis na ako, nagutom din kasi ako sa kakaturo sa iyo eh haha" tumalikod na ako sa kanya matapos kong magpaalam. I really need to eat right now.
"W-wait Cris!"
"Yes?" Napatingin ako ulit sa kanya.
"I'll treat you, tara?" Weeee?
"Talaga?"
"Oo nga thanksgiving para sa pagtuturo sa akin. Hindi lang naman Baybayin ang tinuro mo eh, halos lahat yata ng subjects" napatawa naman ito samantalang napangiti ako sa sinabi niya. Well, I really love helping someone.
"Sige ba, wala nang atrasan 'to ah. Tayo na! Gutom na gutom na talaga ako." Walang hiya na talaga ako, eh siya naman ang nag insist.
Nang makalabas kami ng school ay bigla siyang nagsalita.
"Wait me here, may kukunin lang ako."
"Okay."
5 minutes had passed pero wala pa rin ito. Aba't baka iniwan niya ako?!
Beeeepp!
"Anak ngg--" napalingon ako sa bastps na driver na 'to. Walang mo----
"Get inside!" Wtf? Mayaman talaga ang batang ito. He owns a car kahit na senior high school pa lang kami? Gusto kong manliit.
Pumasok naman ako sa sasakyan niya at nagseatbelt na din. For safety. Agad naman kaming umalis agad at nagtungo sa kakainan namin.
BINABASA MO ANG
Collectibles
Short StoryMy originally made short stories❣ Hope you like it guys! Dec. 24, 2018 - ---