Chapter 5

231 9 0
                                    

Pagdating ko sa school, dumeretso muna ako sa cafeteria.Alam ko na ganitong oras ay nasa cafeteria si Celine kasama ang bestfriend nyang si Carla. Sasabihin ko sa kanya na hindi ako pupunta ng ball at hindi na nya kailangan pang ibigay sakin yung suit. At hindi nga ako nagkamali. Kasama nga nya si Carla habang kumakain at naguusap sila. Pareho silang nakatalikod kaya hindi nila ako napansin.

"by the way Celine, remember Johann? he was at the bar last night.Yung bar na palaging pinupuntahan ni Xander.!" umpisa ni Carla.Umupo muna ako sa likod nila pero hindi pa din nila ako napapansin.

"oh ano daw?"-- Celine

"nakita daw nya si Xander, ayon. Nagiinom. Well, alam naman natin na gawain na ni Xander yun eh. But he's with someone.!" medyo natigilan ako sa sinabi ni Carla. Tho everyone knows that I'm unfaithful with Celine, pero ang iniisip ko ay ang malaman nya ang tungkol kay Zia. Malaman na nya ang lahat wag lang ang tungkol kay Zia.

"he's with someone?? oh maybe it's Paul or Mike."- Celine

"no Celine, it's not one of them. Kasi ang sabi sakin babae daw ang kasama ni Xander. Ang akala nga daw nya ay ikaw. But he said that's impossible coz your not the type of girl who loves to drink at tumambay sa mga bar. And he said that yung babae daw,parang liberated kaya naprove nya na hindi ikaw yun.!" sabi ni Carla. Tama naman si Carla, iba si Celine. Hindi naman talaga mahilig mag-hang out si Celine sa mga ganon klase ng lugar at hindi din sya umiinom ng alak.

"Carla, alam ko naman na sa tuwing hindi umuuwi si Xander sa bahay nila,i know that he's having fun with someone. Sa mga babae. Hindi naman lihim sakin yun." sabi nya. pero ramdam sa mga salita nya ang pagiging seryoso nya.

"alam mo Celine, hindi ko alam kung pano mo natitiis si Xander. He was cheating on you since then pero wala kang ginagawa. And, iniiwan ka lang at pinagmumukhang tanga sa tuwing hinihintay mo sya pero yun pala kasama na sya ng iba !" inis na sabi ni Carla

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon