Chapter 26

94 2 0
                                    

"Oh my God! Xander what happened to you!? Mila! Mila! Help me to bring him on his room!" Narinig kong sabi ni mom nang makarating ako sa bahay galing sa bar na dati kong pinupuntahan noon.

Pagkagaling ko sa bahay nila Celine don na ako dumeretso. Maghapon at magdamag akong nandon,umiinom magisa. Hindi ko alam kung pano nagawa ni Celine yun sakin. Hindi ko alam kung pano nya nagawang kalimutan ang lahat at humanap ng iba. Pano nya nagawang magpakasal sa iba gayong alam nya na hinahanap ko sya. Kahit hindi nya sabihin alam kong alam nyang hinanap ko sya at sinundan sa ibang bansa pero wala naman pala sya don. Ang sakit. Ginago nya ako. Pinagmuka nya akong tanga!!

"Anak ano bang nangyari sayo?? Bakit hindi ka umuwi kagabi?"

"Pinagmukha nya akong tanga. Ginago nya ko!!" Sigaw ko habang sinusuntok ko ang pader. Malakas at halos lahat ng natitira kong lakas ay don ko na ibinuhos.

"Anak tama na! Please stop it!! Don't hurt yourself son!!!"

"Ginago nya ako!! Hinanap ko sya sa ibang bansa ng isang taon!! Nagmuka akong tanga kahahanap sa kanya sa lugar na wala naman akong kilala pero ginago nya ako!! Nandito lang pala sya!!"

"What do you mean!?"

"Pinagtaguan nya ako ng ganon katagal!! Hinanap ko sya sa ibang bansa pero nandito lang pala sya! Nagtatago kasama ang punyetang lalaki na ipinalit nya sakin!!"

At naramdaman kong nanghina na ang katawan ko. Masakit na ang kamay ko at may sugat na. Nanghina na ako hanggang sa mawalan na ako ng malay. Nakapikit man ang mga mata ko, ang puso ko ay gising na gising sa sakit na nararamdaman ko. Bakit Celine? Bakit?

Mula nung malaman ko yun, hindi na ako nagpunta pa sa bahay nila. Sa condo? Isang beses lang ako naglagi don. Hindi ko kinaya maalala pa ang lahat ng pinagdaanan namin dalawa. Lahat ng alaala namin ayoko ng balikan. Halos lahat ng gamit ko sa condo ay nabasag at nasira. Ano ako ngayon? Sino ako ngayon? Ako na ang dating ako. Ang lahat ng bagay na iniwan,kinalimutan at iniwasan ko noon,ngayon ay kasama at ginagawa ko muli ngayon. Para san pa ang ipagpatuloy ang buhay kong binago ko para sa kanya kung mas matindi pa ang ginawa nyang pagsira sa buhay ko.

"Let's go!!" Sabi ko sa babaeng kasama ko na nakilala ko lang sa bar. Sa condo nya kami nagpunta. Magdamag sya ang kasama ko. Pagkatapos nya kinabukasan ay iba naman. Araw araw ay iba ang kasama ko. Araw araw ay uuwi ako sa bahay ng lasing, amoy alak at sigarilyo at may bahid pa ng lipstick ang damit o kaya naman ay ang ilang part ng mukha ko. Si mom, nakatingin lang sya sakin,inaasikaso ako paguwi ko. Si dad? Naiiling na lang sakin. Minsan nya akong pinagsabihan pero sinagot ko lang sya hanggang sa nagaway lang kaming dalawa.

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon