Chapter 19

114 3 0
                                    

Bukas na ang birthday ni Celine. At bukas na din ang engagement namin. A formal engagement party namin dalawa. Pero bakit parang hindi ako masaya. Hindi ako mapanatag. Hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap si Celine tungkol sa nangyari. Plano ko na sana aminin sa kanya nung araw na yun pero wala sya non sa condo nya dahil nasa designer sya non para sa gown na isusuot nya para bukas. Yung mga sumunod na araw naman ay naging abala kaming pareho sa paghahanda. Sa tuwing susubukan ko naman na sabihin sa kanya ay may dadating o kaya naman ay may tatawag sa kanya. Mas lumalakas ang kaba ko sa tuwing makakatanggap ako ng text mula kay Zia at sinasabing hiwalayan ko na si Celine. Na ipapakita nya kay Celine ang lahat ng picture namin kapag hindi pa din ako nakipaghiwalay. Paano ko naman gagawin ang bagay na yun, engaged na nga kami at wala din akong ibang gugustuhin kundi si Celine lang.

Papunta ako ngayon sa condo ni Zia para pakiusapan sya. Ibaba ko na ang pride ko. Hindi ko kayang mawala sakin si Celine. Hindi ko kayang gawin ang gusto nya. Pero pagpunta ko don ay wala naman si Zia. Sinubukan ko syang tawagan pero wala pa din. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bumalik ako sa unit ko at nakita kong nakabukas ang pinto nito. Pagpasok ko ay nasa kusina si Celine at naghahain ng pagkain. Hindi pa nya ako napapansin na nasa likod nya. Pinagmasdan ko syang mabuti. Habang pinagmamasdan ko sya,ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin pero dapat ko nang sabihin yun sa kanya. Haharapin ko na lang ang galit nya. Ipapaliwanag ang lahat at hihingi ng tawad. Hindi ko kaya ang mawala ang babaeng ito. Sya na ang buhay ko. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag nawala sya sakin. Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likod. Hindi ko na napigilan,tumulo ang isang patak ng luha sa pisngi ko. Hinawakan nya ang braso komg nakayakap sa kanya.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nya sakin. Umiling ako sa kanya habang nakangiti.

"San ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap eh. Maupo ka na, kakain na tayo" maamong sabi nya sakin. Hindi ko kayang saktan sya, pero hindi ko din kayang mawala sya. Hindi ko na talaga alam.

Magkaharap kaming dalawa sa table habang kumakain. Paulit-ulit ko syang pinagmamasdan,tinititigan. Sa paanong paraan ko dapat umpisahan ang pagsasabi ng totoo?

"Babe,I've something to tell you-" umpisa ko. Kinakabahan ako lalo ng tumingin na sya sakin.

"Ako din may sasabihin sayo. I'm sure you'll be happy!" Nakangiti sya sakin. Hindi ko kayang mawala ang mga ngiting to na nakikita ko. Pero kailangan kong magtapat para wala na akong nililihim sa kanya. Ngunit ano kaya ang sasabihin nya na ikakatuwa ko? Lagi na lamang ang nakakapagpasaya sakin ang binibigay nya samantalang ako, lagi ko lang syang nasasaktan.

"Sige,ikaw muna.!"i said.

Tumayo sya at may kinuha sa pouch nya. Isang maliit na box. Hindi naman sya parang gift. Nang buksan ko yun isang maliit na rectangle na para sa medicine. It's a pregnancy test. Napatingin ako sa kanya na nakangiti sakin.

"Kinuha ko yan a week ago. Pero para makasiguro ako, nagpunta ako sa isang Oby. Babe, I'm 5weeks pregnant.!" Masaya sya. Totoo ba ang naririnig ko? She's pregnant? I glanced at her waiting for confirmation.

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon