Chapter 25

100 2 0
                                    

Nang malaman kong hindi pala umalis ng bansa si Celine plano ko na sana syang puntahan sa bahay nila pero pinigilan ako ni Zia. Ang masakit pa non ay ang malaman kong pinagtaguan nya ako sa loob ng isang taon. Isang taon akong nagmukang tanga kahahanap sa kanya sa ibang bansa yun pala ay nandito lang naman pala sya sa Pinas. Napakasakit. Alam kong malaki ang kasalanan ko pero bakit ganito ang ginawa nya sakin. Sobra naman ang sakit na binigay nya sakin. Buong magdamag yun lang ang iniisip ko habang kasama ko ang dating iniwasan ko para sa kanya. Ang dami kong ginawang pagbabago sa buhay ko para sa kanya pero hindi pa pala sapat yun para maisip nyang mahal ko talaga sya at hindi ko kayang gawin ang mga bagay na yun.

Nasa harap ako ngayon ng bahay nila.

"Celine!! Celine lumabas ka dyan!! Alam kong nandyan ka!! Celine!!"

Sigaw ko habang kinakalampog ko ang gate nila. Hindi na nya ako mapagtataguan. Alam kong nandito sya.

"Lumabas ka dyan Celine!! Alam kong nandyan ka!! Alam kong naririnig mo ko!! Lumabas ka dyan!!" Pero wala pa din lumabas. Inakyat ko na ang gate nila. Wala akong pakialam kahit pa sabihin na trespassing ako. Kailangan kong makaharap si Celine. Nang makapasok ako ay agad akong tumakbo papunta sa pinto ng bahay nila saka yun kinalampog.

"Celine!! Harapin mo ko!! Lumabas ka dyan!! Hindi mo na ako mapagtataguan pa! Celine!!!"

At bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang mukha na matagal ko ng hindi nakikita. Ang mukha na matagal ko ng hinanap.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin ng wala man lang kaemo- emosyon. Ganito na ba talaga kamanhid ang pakiramdam nya para sakin?

Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Ang yakapin sya ng ganito ang matagal ko ng hinintay. I'm longing for this.

"Bitawan mo ko. Bitawan mo sabi ako eh!" At itinulak nya ako. Hindi ako makapaniwalang nagagawa nya sakin ito.

"Pano ka nakapasok dito!? Sino ba ang nagpapasok sayo!?"

"Celine. Celine bakit?"

"You know what, umalis ka na. Umalis ka na bago pa ako tumawag ng security!"

"Sige tumawag ka ng security! Ipqgtabuyan mo ko Celine! Celine bakit? Pano? Pano mo nagagawa sakin to? Pano mo nagawang tiisin ako at pagtaguan ng ganon katagal!?"

"Umalis ka na Xander!"

"Sagutin mo ko Celine!!?"

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon