Chapter 8

182 8 0
                                    

Naglalakad na ako papasok ng campus ng makita ko si Celine kasama si Leo. At sa kotse pa ni Leo sya bumaba. Ano to, sinundo ba sya ni Leo!? Ayos din naman pala tong si Celine eh. After nyang hindi pansinin ang lahat ng text ko sa kanya ganito ang makikita ko !? Kasama nya ang dahilan ng maagang pagalis namin sa ball !?

Nilapitan ko sila at hinila ko sya palayo kay Leo. Wala akong pakialam kung ano pa ang sabihin nila sakin.

"Let go of me Xander!! Nasasaktan ako!!" Sigaw ni Celine. Pero hindi ko sya bibitawan. Lalapit sana si Leo ng duruin ko sya.

"Subukan mo lang lumapit at hindi lang yan ang mangyayari sa mukha mo!!" Banta ko sa kanya. Bakas pa din kasi sa mukha nya ang mga pasa na gawa ko nung sinapak ko sya sa ball. Natakot naman ata kaya hindi na sya lumapit. Hinila ko palayo si Celine kahit na nagpupumiglas sya sakin. Binitawan ko lang sya ng makarating kami sa isang garden ng school.

"Ouch!!!! Ano bang problema mo ha!!" sigaw nya sakin ng bitawan ko na sya.

"Bakit kasama mo yun lalaking yun?" Tanong ko sa kanya.

"He pick me up.why?!"

Tama bang tanungin nya ako kung bakit!? Nakakainis na! At talaga ngang sinundo pa sya ni Leo.

"Why you're not answering your phone!? I've been texting you and you didn't reply me atleast once.!"

"I've lost my phone!!" Nawala ang phone nya!? Pano naman mawawala yun?

"I have to go. May klase pa ako. And pwede ba Xander. Walang ginagawang masama sayo Leo. Kaya tigilan mo sya.!" Pagkasabi nya non ay umalis na sya. Walang ginagawang masama!? Eh hinalikan nya ang girlfriend ko sa ball tapos ngayon makikita kong sinundo pa nya. Hindi ba masama yun. Kung noon nagagawa kong hayaan si Celine. Not this time. Not anymore. Now that I've realized how much she means to me? Now that i know I'm in love with her? No. I won't allow anyone come near close to you Celine. Non one.

After class, sinundo ko na agad si Celine sa klase nya. Nagulat pa nga ang lahat ng classmates nya ng bigla akong pumasok sa room at kinuha ang gamit nya. Kahit ang prof nya na nasa loob ay nagulat din pero wala silang sinabi. Hinila ko na agad si Celine papunta sa parking lot habang hawak ko pa din ang gamit nya.

"Ano ba Xander. Kanina mo pa ako hinihila. San mo ba ako dadalhin!" Naiirita nyang sabi. Pero hindi ko sya pinansin. Isinuot ko sa kanya ang helmet ko at saka ako sumakay sa motor.

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon