Chapter 30

156 1 0
                                    

"Hi!!! Have something for you!!!" Agad syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Isang halik sa pisngi ang ibinigay nya sakin. Napakasarap makita ang napakaganda nyang ngiti.

"Kanina ka pa nya hinihintay. She's so excited to let you taste her cookies!"

Tumayo ako at nilapitan ko sya. Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya.

"Sorry, dinaanan ko pa kasi to!"

At iniabot ko sa kanya ang isang kahon at binuksan nya yun.

"Did you like it?" She nodded and smiled.

"X and C"

Kinuha ko at isinuot ko sa leeg nya.

"Xander and Carlin. Look at mine!" At pinakita ko sa kanya ang necklace na suot ko na may pendant na malaking C at sa loob ng malaking C ay ang small c.

"Celine and Carlin. Ang dalawang babae na mahalaga sakin. Ang pinakamamahal ko.!"

Niyakap nya ako ng mahigpit and i kissed her on her forehead.

"Daddy!! For you!! I baked it. Mommy helped me on it!!" Masayang sabi ng batang babae. Ang anak namin ni Celine. Ang buhay namin.

Pagkatapos ng lahat ng pagsubok namin, heto kami. Buo at ngayon ay isang masayang pamilya. After ng proposal ko sa kanya sa airport, isang buwan lang ay nagpakasal na kami. Masaya, masayang masaya! Kompleto na ang buhay ko. Ang lahat ng masamang nangyari samin, kinalimutan na namin. At nagsimula kaming bumuo ng bago at mas masayang alaala. I can't imagine myself like this. Ang akala ko ay hindi na dadating ang bagay na ito samin pero eto, nangyari na. Magkasama na kami at may isang prinsesa pa. Kompleto na ko. Ang buhay ko. Dahil kasama ko ang dalawang bumubuo sa pagkatao ko. Si Celine at Carlin.

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon