Chapter 14

147 4 0
                                    

Pagkagising ko ay nakaupo sa tabi ko si Celine, nakatingin habang pinipindot-pindot ang ilong ko. Well, sa ginagawa nyang yun talaga ako nagising. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog ko pero bigla nya akong hinalikan sa pisngi kaya nawala ang antok ko.

"Breakfast is ready.!" Sabi nya habang hinihila ako patayo sa kama. I looked at my wrist watch at 8am na pala. Nang makarating kami sa pinakakitchen ng room namin nakahain na ang sangkaterbang pagkain. As in madami. May bread, carbonara, desserts at soup na may kasama pang juice. Dinala yun ng hotel crew sa room namin. Umupo na kami ni Celine pagkatapos kong magtoothbrush at maghilamos ng mukha. Sabay kaming kumain. Pagkatapos naman ay naligo na sya habang ako ay nanood lang ng sports.

"Babe I'm done. Ikaw na. Dalian mo. I wanna go out today!" She said while brushing her long blonde hair. Dahil wala naman din event tonight, napagkasunduan namin dalawa ni Celine na mamasyal na lang buong maghapon. Sa beach at sa kung saan saan pa dito sa bora.

Nagpunta kami sa mismong beach ng bora at nagpahenna tattoo kami. Pagkatapos naman ay pinanood ko syang magpaayos ng buhok sa isang dalaga na taga bora. Sunod naman ay kumain kami sa ilang mga restaurant don. Syempre hindi magiging masaya kung hindi kami lulusong sa mismong dagat. Nag- scuba diving kami,sumakay sa banana boat, jet ski at dahil napagod kami sa buong maghapon,nandito na kami ngayon sa isang bar na nagooffer din ng mga foods na nasa restaurant. Marami ang turista,karamihan ay mga foreigners at ilang mga artista. At dahil nga nasa isang bar kami,marami ang nakapaligid na alak. Pero dahil sa iniiwasan ko yun, nung lumapit ang isang waiter ay soda lang ang hiningi ko.

"No,ah give us two boracay Rhum.!" Celine said to that waiter. I tried to stop her but she just smile at me and hold my hands as if she was saying it's fine. Hanggang sa dumating na nga ang inorder nyang alak.

"Babe, hindi ka naman umiinom diba?"

"Yeah, but i wanna try. At saka alam ko naman na namiss mo na yung taste of alcohol.!" she said and give me sarcastic smile.

"Babe I've promised you na hindi na ako iinom--"

"And you did it. That's why i trust you. Alam kong kaya mo naman ng kontrolin ang pagiging alcoholic so let's not talk about it. Let's just enjoy those drinks. Hindi enjoy ang bora kapag hindi natin natikman ang best offers nila.!" at don na nya tinikman ang Rhum. Una ay halos pikit mata nyang ininom yun tapos ay masukasuka. Pero halata sa kanya na nageenjoy sya kaya nakatatlong bote na sya. Sa Pangapat na bote namin ay alam kong lasing na sya kaya inaya ko na syang bumalik sa hotel. Halos hindi na sya makalakad kaya binuhat ko na sya. I mean pinasan ko na sya hanggang sa makarating kami sa hotel. Pagpasok namin sa kwarto nya ay saka ko sya inihiga. Akala ko ay tulog na sya pero hindi pala. She glance at me and suddenly kissed me. We kissed again the way we kissed at the first time na naging sakin sya. At katulad nung una, ang halik na yun ay naging mas mapusok hanggang sa di namin mamalayan na nagiging isa na naman kami. And this, this is our 2nd time. Pagkatapos noon ay magkatabi na kaming natulog sa kwarto nya. Nakahiga sya sa braso ko habang nakayakap kami sa isa't isa. Happy??? Yes I am. Not because of what had happened but because I'm with the woman I love. Will love for the rest of my life.

Diary of a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon