CHAPTER 18

2.9K 54 0
                                    



A/N: Ang naiimagine ko kay Floren si Kylie Versoza. Ganda kasi ng mukha ni Kylie-- so yeah! ❤️

FLOREN'S POV

"1, 2, 3! Waaah 3 days ko na siyang hindi nakikita at nakakausap! Bakit miss ko na siya" Sabi ko sa sarili ko at dinukdok ko ang mukha ko sa lamesa namin.

After nung nangyari sa beach resort ni Marlo umuwi kami kinabukasan at lumipad naman si Marlo papuntang Palawan dahil may show siya na pupuntahan don at special guest siya.

Sa lunes pa ang balik niya. At kay Mam Claire ko yon nalaman dahil hindi ko na nakausap si Marlo.

Pinayagan ako umuwi ni Mam Claire sa amin kaya nandito ako ngayon.

Sa ika-limang pagkakataon tinignan ko yung cellphone ko pero wala siyang text. Bakit ba ako umaasa na itetext niya ako?

Hindi naman niya ako girlfriend? At hindi ko naman siya boyfriend! Hays.

Wala si Flora at Perdot dito sa bahay. Si Mama naman may seminar na dinaluhan kasama sila Tiya Ester at ibang nanay na kaclose niya na taga dito sa compound.

Si Maureen nasa Batangas tapos si Angelou busy dahil may hinahawakan siya ngayong kasal.

Kaya sobrang lonely ng feeling ko hays. Napatunghay ako ng may kumatok sa pinto. Mabilis akong tumayo at lumakad palapit sa may pintuan para buksan yon.

Pagkabukas ko tumambad sa pagmumukha ko ang isang bouquet ng roses at may chocolates pa na nakalagay sa pa-heart shape na lalagyan. Hindi ko alam kung bakit ako binibigyan nito hindi pa naman Valentines.

"Hi Floren!" Nakangiting bati ni Rylan habang inaabot sakin ang bouquet at chocolates. Napairap ako at kinuha ko yon tapos niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok naman siya agad.

Iniwan kong bukas ang pintuan bago lumapit sa kanya at nilagay sa sofa yung binigay niya. "Buti naman at naisipan mong magparamdam Rylan?" After all naman. Isa si Rylan sa tinuturing kong kaibigan.

Ngumiti si Rylan. "Sorry na. Napatapon kasi ako sa New York for some business matters kaya ngayon lang kita nabisita" He said.

"Sus oo na salamat sa flowers at chocolates" Tipid akong ngumiti. Tumango si Rylan.

"May gagawin ka ba? Yayain sana kita mag mall pambawi na din sayo" Mabilis akong tumango at nagpaalam na magbibihis lang.

Thanks to Rylan hindi ako mabobored kaiisip sa kanya.






"I HEARD the news. Pinasok ka daw pala ulit ni Trevor sa bahay ni Marlo ang tarantadong yon di pa nadala sa pambubugbog namin ni Vitto hihirit pa e" Inis na sabi ni Rylan.

Nandito kami sa isang French Restaurant sa may mall.

"Oo. Pero okay na sabi ni Zion umalis na daw ng bansa si Trevor" Sabi ko.

Tumango tango siya.

"Mabuti naman. Pasensya kana ulit sa tropa namin hindi ko alam na magiging ganon siya kaattract sayo and I want to apologize dahil nagbalak ako i-prank ka nung time na yon. Hindi ko naman kasi alam na ikaw pala yung bagong katulong ni Marlo" Mabilis akong nag angat ng tingin kay Rylan.

"Huh? Prank? Bakit mo naman ako ipa-prank?" Naguguluhan kong tanong at kumunot pa ang noo ko dahil don.

So tama nga ang narinig ko nung time na yon may PRANK dapat na magaganap. Nag aalalang tumingin sakin si Rylan tapos inabot ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.

Maid For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon