CHAPTER 25

3K 58 1
                                    


AN: LAST EKSENA NG DALAWANG TAO NA NAWALA SA EKSENA! IHANDA ANG SARILI NA MAINIS HAHA.

FLOREN'S POV

"NAMISS din kita Clodet tagal na na natin di nagkita" Tuwang tuwa sabi ko. Niyakap niya ako kanina at sinulubong nandito siya sa Studio 8 kaya nagulat ako.

Nandito kasi ako sa dressing room naming lima, tatlo pa lang kami at hinihintay pa yung dalawa, maaga pa naman may meeting daw kasi kami with the talents of Station 7.

"Ako din e nabalitaan ko nga pala yung about sa inyo ni Marlo I'm happy na okay na kayo. Grabe kinikilig pa din ako sa inyo" Kinikilig na sabi niya tapos hinawakan niya ang kamay ko.

Natawa ako ng bahagya.

"Oo sinagot ko siya nung isang araw nabusy kasi ako para sa preparation ng debut ng kapatid ko invited ka bi ha next month first week, Saturday. Pupunta si Manager Ai at Kuya Jason. Si Mam Claire sinabihan ko na din pero itatry daw niya may appointment kasi siya ng time na yon"

Masayang ngumiti si Clodet at tumango.

"Oo naman no pupunta ako ikaw ata yan lakas mo sakin e" Nakangiting saad ni Clodet.

"Bakit ka nga pala nandito? Si Marlo hindi mo ba kasama? Ang alam ko magkasama kayo today?" I asked. Ngumiti siya at pinisil ang kamay ko.

"Actually Oo kasama ko ang boyfie mo papunta sana sayo pero nakatanggap siya ng tawag kay Vitto sinabi niya na pupunta muna siya at mauna ako sayo para sabihin. You understand na daw" Sabi ni Clodet.

Kaaga sumaya ang puso ko dahil sa nadinig ko actually masaya ako para sa kanila ni Vitto sana magkaayos na sila kasi kung hindi ako na bubugbog sa kanilang dalawa.

Nagusap lang kami ni Clodet about sa anak at asawa niya nagulat ako kasal na pala siya at may anak na pero kaedad niya lang si Marlo. Masaya ako for her dahil nakita na niya ang lalakeng makakasama niya habang buhay.

"Floren. Kinikilig kami sa article na nasa Facebook kaya wag mo kami paasahin" Napatingin ako kay Dara na lumapit pala samin. Naguguluhan akong tumingin sa kanila at napa-HUH ng mahaba.

Ngumiti silang tatlo pati si Clodet tapos si Katalina ang nagsalita.

"Article says that you and Marlo are in a relationship with each other? I bet it's true nakakakilig e" Nangisay pa na sabi ni Katalina. Natawa ako ng mahina pati na din si Clodet.

Pare-parehas sila ng reaksyon ng mga kaibigan ko at mga kapatid ko pati na din si Mama kilig na kilig sila nung sinabi ko na kami na ni Marlo baby ko. Tumango ako at ngumiti kaya napairit sila pati na din si Clodet na nasa tabi ko nakaupo sa sofa ay kinilig din.

"Wow? Totoo nga! Kyaaaah ang bilis talaga kumalat ng balita pero this time it's true at much of love" Isa pa tong si Penna na pinakagalgal saming lima lalo na siguro kung nandito si Fiona at Sasa sigurong nagkagulo na silang apat.

"Mahal ko eh. That's why" Nakangiting sabi ko sa kanila pati na din yung ibang nandito sa dressing room ay kinikilig na din.

Patuloy lang kami sa masayang pagkukwentuhan sa kung ano anong bagay ng biglang bumukas pabalibag ang pinto ng dressing room na kinagulat namin at kinatayo ko mula sa pagkakaupo at tinignan ang babaeng bagong dating.

Umikot ang mata niya na parang may hinahanap at dumako ang tingin niya sakin tapos nginitian ako. Plastik na ngiti kasing plastik ng pagkatao niya.

Maid For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon