AN: LAST 2 CHAPTERS AND EPILOGUE PEEPZ! Yeah. Masyado ako nainspired sa pagsusulat kaya nagtuloy tuloy na! Kyaaaah.ENJOY THIS CHAPTER FIRST!
2 months later....
FLOREN'S POV
"ALAM mo bakla mas maganda siguro kung simple lang ang decorations. Kasi simple lang din naman ang cocktail dress na pinagawa ko sayo para kay Flora" Nakahalumbabang sabi ko nandito kami sa Mi' Paborito ni Angelou at Maureen para sa preparation sa debut ni Flora. Wala siya dito kasi may pasok siya.
At diko din naman siya papayagan umabsent besides nandito naman ako para magayos. Natanggap ko yung check ko sa pagmomodel ko sa New Trend Magazine. Successful ang 2nd release ng magazine at tuwang tuwa sila.
Ako ang cover non kaya may bonus ako. Tuwang tuwa naman yung mga kasama ko at hindi sila nainggit sakin sinabi pa nila na proud na proud sila sakin at deserve ko yung pagiging model cover.
Si Marlo naman? Ayun loyal at pursigido pa din sa panliligaw. Kinikilig naman ako sa mga sweet gestures niya mas umokay kami ngayon at nakilala namin ang isa't isa. Kaso busy siya ngayon dahil sa Mall Tour nila para sa movie nila na ipapalabas next month.
Pero palagi niya akong tinetext at tinatawagan. Ayun pa din ang cellphone ko walang pinagbago may sentimental value to sakin e.
"Sabagay friend itulad na lang natin yung kulay ng cocktail dress ni Flora sa decorations" Sabi ni Angelou pero hindi nakatingin sakin sa notebook siya nakatingin at may sinusulat.
Siya ang nagdesign at gumawa ng cocktail dress ni Flora. Bongga-couis daw siya e.
"Oo tapos yung foods ayaw ni Mama magpaluto sa iba sila daw bahala nila Tiya Ester kaya no need to worry the food" Sabi ko. Tumango naman yung dalawa.
"Eh paano yung mga table skirting chuchu? Pati yung mga chairs, tables and canopies" Tanong ni Maureen pagkatapos sumimsim ng mango tango na best seller ng Mi' Paborito.
"Yung taga compound na si Kuya Bads nag tatrabaho sa catering services siya na lang daw bahala don sa skirting. Yung mga canopies, tables and chairs ay nakapagpaschedule na ako sa munisipyo kery na yon, hindi naman kailangan bongga basta maayos at masagawa" Ngumiti ako sa dalawa.
"Correct support ka namin dyan our Model Friend" Biro ni Angelou. Sinamaan ko siya ng tingin sila yung number 1 at 2 na fans ko gumawa pa nga sila ng fan-page sa Facebook parang mga shungeks.
"Kayo tantanan niyo ako sa kakaganyan niyo. Sabi ko sa inyo wag niyo ako tawagin ng ganon" Nakangusong sabi ko.
"Sus oo na. Kailan ka nga pala mageenrol don sa 1 year course training?" Tanong ni Maureen.
Oo balak ko magenrol ng 1 year hospitality management training madali naman ako nakapasok dahil nalaman nila yung background ko. Ewan ko kung matutuwa ako o mahihiya e.
"Nakapunta na ako nung isang araw next month pa daw yung start ng training" Sabi ko. Tumango tango naman si Maureen halata ko sa mukha niya na masaya siya para sakin.
Nagusap usap kami tungkol sa kung ano anong bagay. Hanggang sa may sumingit sa pag uusap namin.
"LATE na ba ako? Sorry naabutan ako ng traffic e" Napatingin ako sa nagsalita tapos umupo sa harap ko sa tabi ni Angelou.
"SOBRANG AGA mo Vitto" Sarcastic kong sabi. Napakamot naman si Vitto sa batok niyo.
"Okay lang yon baby vits! Pabayaan mo yan si Floren chaka yan" Pumulupot na parang ahas sa braso ni Vitto si Angelou na kinatawa nung isa. Sanay na siya kay Angelou.
BINABASA MO ANG
Maid For You (Completed)
Ficción GeneralHighest Rank Achieved: #3 Wattpad2019 Florentina San Jose having a simple life with a simple dream "to help her family in comes of financial" Kaya mas pinili niya na lang maghanap ng marangal na trabaho kesa ipagpatuloy ang pag aaral niya and it hap...