CHAPTER 3

4.1K 74 1
                                    


Note: Wag kayo maturn-off kay Marlo please! Malalaman niyo ang deepest reason niya kung bakit ganto yung reaction niya in comes of his past maids. At minalas lang talaga si Floren kasi saktong siya yung pag iinitan ni Marlo. Syempre may reason kung bakit. Wahahaha. Basa na yieee! ❤️

New Maid.

MARLO'S POV

"OKAY 30 minutes break!!" Sigaw ni Direk! Nagsushooting kami para sa Barkada Movie na ipapalabas namin this year. Ako ang lead actor kaya sobrang dami kong scene at nakakapagod. Mabilis akong pumasok sa tent kung saan nandon ang dressing room ko pati ang folding chair ko na pinagpapahingahan ko during our shooting. Mabilis na lumapit sakin si Clodet at pinunasan ang mukha ko gamit ang tissue bago nilagyan ulit ako ng foundation.

Nadinig ko na nagiingay yung cellphone ko na nakapatong sa stool ng mga make up. Lumayo ako saglit kay Clodet at kinuha yung cellphone ko. Nakita ko na tumatawag si Tita Claire kaya mabilis ko yung sinagot.

"Hello Tita? What's up?" I said. Narinig kong napasinghap si Tita sa kabilang linya.

"Marlo kasama ko na yung bagong katulong na nakuha ko. She is adorable Marlo magkakasundo kayo---" Tuwang tuwa na sabi ni Tita sa kabilang linya. Nairap ako and I cut her words.

"Yeah yeah! Give me her name tita" I said. Kailangan ko paimbestigahan kung sino man yung nakuha ni Tita na katulong.

"Sure she is Florentina San Jose. I told you Marlo she is adorable matutuwa ka sa kanya" Napairap ulit ako. What's with that name? Pangalan pa lang nakakainis na Florentina-- geez! It's annoying siguro matanda na yung nakuha ni Tita na katulong.

"Okay okay Tita I call you later" Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Tita binabaan ko na agad siya ng tawag. Tapos dinial ang number ni Zion isa sa kaibigan ko. At magaling siyang investigator.

3 rings bago niya sagutin ang tawag ko.

"YOW MY CELEBRITY FRIEND. Anong maipaglilingkod ko kamahalan?" Sabi niya sa kabilang linya.

"I want you to investigate someone for me" Diretso kong pagsasalita. Natawa si Zion sa kabilang linya I know him bibigyan niya ng malisya yan. Tss!

"Woaw? Cupid hits na ba?" Sabi ko na nga ba! Napailing na lang ako.

"Siraulo ka! It's my maid hindi ko alam kung saan napulot ni Tita Claire yun. Alam mo naman si Tita sa sobrang bait ang dali na mauto. Well I know ganon din ako but it's before hindi na ngayon kaya i want you to investigate her for me" Paliwanag ko sa kanya.

"Okay okay as you said so. So who's this girl?" He asked. "Florentina San Jose" I quickly said.

"Copy bro kailan mo kailangan ang details?" Naisip ko na pag uwi na lang pag nakita ko na kung sino yung babaeng nakuha ni Tita.

"3 days from now nasa shooting ako brod bukas pa ng gabi ang uwi ko sa bahay para sa 1 week vacation ko" I said. Natawa si Zion.

"Woaw shot na ba ito? Kilala mo ako brod hindi ako humihingi ng cash isang case lang okay na" Napailing na lang ako habang nakangiti.

"Sure call the team may plano ako we will challenge my new maid" Napangisi ako sa naiisip ko. Will you like to work for me Florentina? Let's see.

"Sure I call the team sa bahay mo ba?" Tanong pa ni Zion.

"Oo brod! I'll hang up now see you soon" I said. Sinenyasan na kasi ako ni Clodet.

Maid For You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon