PROLOGUE

1.4K 13 2
                                    

"Okay, Ikaw na ngayon ang bagong magiging personal assistant ni Mr. Calderon"

Halos magunaw naman ang mundo ko nang marinig ko ang mga katagang sinabi ng boss ko.

Pati ang mga taong kasama namin sa meeting room ay napatingin sa akin.

Tinignan naman ako ng iba kong katrabaho na may bakas na awa sa mukha at hindi mawawala ang gulat.

"P-po? Boss naman" May pag mamakaawa na sabi ko.

Times Calderon, ang pinaka sikat na Musician/Artist sa buong show biz industry

Milyong milyon tao ang humahanga. Mga babaeng nag kakandarapa

Pero hindi nila alam na sa likod ng maaamo nitong mukha, may mala demonyong ugali na nakatago dito.

Wala pang tumatagal na P.A sa kaniya, dahil nga sa kagaspangan daw ng ugali at ka maldito-han nito.

Wala siyang pake sa nararamdaman ng iba. And he's so fucking heartless, a coldblooded. Basta lahat na!

"Wala ka nang magagawa Ms. Andrade, wala nang ibang available na pwedeng maging P.A dito dahil hawak na sila ng iba pang mga co-artist ni Times"
Sabi ni Boss Lee.

"But don't worry, ma do doble ang bayad sayo" Dugtong niya pa

Napapikit nalang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Ayoko naman mawalan ng trabaho o matanggal.

"Paki pirmahan nalang itong contract Ms. Andrade" Sabi pa ulit ni Boss Lee. Kaya mabilis ko naman itong pinirmahan, nakita ko rin na may pirma na rin ni Times.

Hays, sa 5 years kong pag ta trabaho dito. Ngayon lang ako kinabahan ng ganto. Jusme

Bakit ba kasi siya? Pwede naman si Hours nalang. Yung kapatid niya na sa mundo ng show biz industry din nag ta trabaho.

"So lahat kayo, kilala niyo na ang mga hahawakan niyo at naibigay ko na ang mga info. about them so, goodluck and enjoy, meeting dismissed" Sabi ng Boss namin at umalis na.

Iba't ibang reaksyon naman ang mga nakapaskil sa mga mukha nila, pero karamihan ay masaya.

"Mukhang hindi para sayo ang taon na 'to, Erika" Sabi ni Ara Smith, isa sa mga kaibigan ko dito. 

Isa naman sa kabanda ni Times ang mahahawakan niya ngayon. Si Fita Lucas, gwapo at mabait ang lalaking 'yon.

Sana siya nalang nahawakan ko huhu.

"Yeah, Sinabi mo pa. Beshhhh! Swap tayo plisssh?" Childish na sabi ko sa kaniya at yumakap sa braso niya.

Inirapan niya lang ako at dinilaan.

"No way besh! Kahit sabihin mo pang gwapo yang si Times. Never kong hinangad na maging P.A niya" Sabi pa ni Ara "Kaya 'wag mo akong ma please please dyan. Gusto mo ba mawalan ng trabaho?" Dugtong niya pa na nang aasar

Sumimangot nalang ako

"Psh. Sana naman talaga gabayan ako ng panginoon at bigyan ako ng napakahabang pasensiya" Sabi ko nalang

"Sana nga talaga" Sabi nalang din niya.

Habang nag lalakad naman kami ni Ara palabas ng building may tumawag naman sa atensyon ko.

"Erika! Erika!" Sigaw ni Jordan habang nananakbo papalapit sa amin. Siya naman ang manager ng isa sa mga sikat na banda sa pilipinas.

Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now