CHAPTER 20

437 2 0
                                    

Erika's POV

Malalim na ang gabi at tulog na si Times sa tabi ko, dahil sa kalasingan. Well, natalo niya si papa sa inuman nila.

11:55 pm na pero hindi pa rin ako inaantok. Hindi ko alam, pero parang hindi ako mapakali. Parang may hindi magandang mangyayari


Aish!


Dahan dahan nalang akong bumangon sa kama at kinuha ang cellphone ko. Ni-connect ko sa wifi sa bahay at halos mag lag naman ang cellphone ko sa dami ng notif. na natatanggap ko

Pero dalawang text ang pumukaw sa pansin ko


From: Jonah

-Ms. Andrade! We really badly need you here! Ang dami ng gulo-

From: Bh0xzS MaLhatek (Ara)

-Besh!! Nababaliw na ang babaitang Valerie! Sinabi niya sa Live show na girlfriend na daw siya ni Times! Ang gaga baliw na talaga!! Tapos naniwala naman ang mga tao dahil sa proof kuno na pinakita niya. Besh balik na kayo dito para matapos na ang kahibangan ng higad! grrr!-


Tila naman nanigas ako sa mga nabasa ko.

Nag open agad ako ng twitter at doon ko nakumpirma na totoo ang mga sinasabi nila.

Tinignan ko rin ang Show Biz news na ang topic ay about sa relasyon daw nila ni Times

"She's crazy" Gigil na sabi ko. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko dahil sa galit

Nag play naman ang replay ng whole video ng Live show at pinanood ko 'yon lahat.

Lahat ng pag to torture sa isip ko ay nagawa ko na sa kaniya, habang tinatapos ang video

"She's a motherfucker liar!" Bulong ko nalang at pinipigilan ang sarili

Kailangan na namin bumalik ng Manila. Kailangang kailangan.

Kaya pala masama ang kutob ko. Damn her!


*Ting*

1 message received

From: Unknown number

-Hella bitch! Stay away from my property! Kung ayaw mong masaktan. -

Aish! Idiot! No one's her!

Pathetic, Ilusyunada!

Nakakainis siyaaaa!

Pinatay ko nalang ang phone ko at nilagay sa side table.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?

Tinitigan ko naman ang mukha ni Times. Hinawi ko lang ang hanggang balikat nitong buhok at sinuklay suklay iyon.

Napakaamo ng mukha niya, kaya wala pang ilang minuto ay kumalma na ako.

"Ayokong mawala ka" Kausap ko dito at patuloy lang sa pag suklay ng buhok niya, ang lambot.

Hindi ko alam ang gagawin ko pag naka balik na kami sa Manila.

Dalawa lang ang pag pipilian ko.

Ang iwan siya 'na hindi ko kaya' para hindi masira ang career niya at mag stay pero posibleng masira ko ang career niya.

Ayokong masira ang buhay niya ng dahil lang sa akin. Hindi kakayanin ng konsensiya ko 'yon.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko at sa mukha pa ni Times tumulo 'yon. Tila naman nagising siya dahil sa mga luha ko at medyo malakas na pag hikbi ko

Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now