CHAPTER 7

543 14 0
                                    

Erika's POV

Nakarating na ako sa parking lot at hindi ko maiwasang humanga sa nakikita ko.

Isang black Lamborghini ang ngayo'y sinasandalan ni Times. At modelong modelo talaga ang dating niya kaya hindi na ako mag tataka kung bakit ganon nalang siya kabaliwan ng mga kababaihan.

"Bakit pinauna mo pa ako?" Tanong niya sa akin at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan niya.

Sumakay naman ako at ganon na rin siya.

Lumingon muli siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

"Umiiwas lang" Sagot ko at nag iwas ng tingin.

Kitang kita ko sa reflection ng salamin ang pag ka kunot ng noo niya.

"Umiiwas? Bakit?" Tanong niya muli

Huminga muna ako ng malalim.

Bakit parang na te tense ako?

"B-baka may dispatcher, at m-mapag kamalan pa akong girlfriend mo. Dahil nga diba? Hindi pa nasasa publiko ang tungkol sa bago mo--" Hindi ko na muling natapos ang sasabihin ko nang kabigin niya ang batok ko at muling sakupin ang mga labi.

Siya na din ang kusang bumitaw at ngumiti sa akin.

Naguluhan naman ako sa inasal niya.

"I'll protect you no matter what"

May sinabi siya pero hindi ko naintindihan dahil bigla niyang ini-start ang sasakyan.

"Ano ulit?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling lang siya at ngumiti sa akin. At nag simula nang mag drive.

Naguguluhan pa rin ako sa sinabi niya.

Ano ba naman kasi yan! Mag sasalita nalang tila ipis na bumubulong pa! Kainis.

Tahimik lang kami buong byahe. At masakit na sa pang upo dahil ilang oras din ang naging byahe namin, at nakakagutom 'yon.

"Saan ba tayo? Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kaniya. Siguro mga pang limang beses ko na na tanong sa kaniya 'yon.

Lumingon siya sa akin saglit at pinisil ang pisngi ko.

"Malapit na, baby" Sagot niya lang at ngumiti ng bahagya.

Naiparap nalang ako, at kinuha ang cellphone ko. Dahil ilang beses niya na ring sagot 'yon sa akin.

I checked my twitter account. And also checked the latest show biz news

-Sikat na modelo na si Valerie Crimson, balik bansa at balak muling makipag trabaho kay Times Calderon?! Totoo kaya ang mga ito? Alamin ang mga sumusunod-

Comments:

-Omg. Is this real? Can't wait for that moment

-Ano ba yan! Lalandiin niya lang naman ulit si Times.

-Sana hindi pumayag ang manager ni Times Mwehehehe.

-I'm not agree with this.

Hindi ko alam pero parang biglang nag init ang ulo ko dahil sa nabasa ko. Pero natawa ako sa mga comments dahil tutol din sila.

Kilala naman kasi si Valerie na mang aagaw at ayun nga flirt. Madami na siyang nasirang relasyon kaya dahil do'n ay madami siyang bashers.

Pero hindi ko alam kung bakit madami pa rin na kumukuha sa kaniya na mga agency. Siguro dahil maganda talaga siya at modelong modelo talaga.

Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now