CHAPTER 14

477 8 0
                                    

Third Person's POV

Habang nag kakatuwaan ang 5 ay hindi lingid sa kaalaman nila na may nanonood sa kanila. Kasabay din no'n ang pag kuha ng mga litrato kila Times at Erika.

"Kala ko pa naman matutulungan niya ako, but i was wrong. She's a flirt!" Mariin na sabi ni Valerie sa sarili niya at masamang tinitigan si Erika

"Mag babayad ka babae ka! Hindi mo kilala ang kinalaban mo! Balak mo pang agawin sa akin si Times!" Inis muling sabi nito at umalis na.


Erika's POV

Nag simula na ang taping at ako ay lutang pa rin.

Iniisip ko kung bakit ginawa nila Manager Joseph iyon.

Nakakahalata na ba sila?

"Ms. Andrade, pwedeng paki tulungan kami doon mag buhat?" Biglang lapit sa akin ng isa sa mga staff.

Agad naman akong napatayo at um-Oo sa kaniya.

Mabuti na rin ito para may gawin ako kahit papaano.

Pumasok na kami sa stock room at tinuro niya sa akin ang bubuhatin ko.

Geez, bakit tila mabigat iyong box na yun?

"Ms. Andrade paki dala nalang po iyan sa Set, kakailanganin po kasi yung props na 'yan" Sabi niya lang sa akin kaya nginitian ko nalang siya

Binuhat ko na nga iyong box at hindi nga ako nag kakamali dahil mabigat nga ito.

Hirap na hirap naman akong dinala iyon sa at dinala sa set. Hindi naman ako makahingi ng tulong sa iba dahil busy din sila

"Need some help?" Biglang may nag salita sa gilid ko kaya halos muntikan ko nang malaglag ang dala-dala ko ng dahil sa gulat, buti nalang at nasalo niya.

It's him. Oliver

"Ohh. Akin na nga 'yan, masyadong mabigat para buhatin ng payat na katulad mo" Sabi niya sa akin ng tumatawa

Inirapan ko lang siya at akmang aagawin na ang dala dala kong box pero inilayo niya lang ito sa akin.

"Ako na" Sabi niya at nag lakad na. Hinayaan ko nalang siya at bumalik sa stock room para kuhain pa ang mga ibang box.

Binuhat ko lang ulit iyon at inilabas na. Nakita ko nanaman ulit si Oliver na naka kunot noong naka tingin sa akin.

"Masyadong mabigat sabi 'yan. Huwag ka nang mag buhat" Sabi niya sa akin at inagaw muli ang dala dala ko

Napakamot nalang ako sa ulo at nag lakad kasabay niya

"Bakit ba ikaw ang pinag bubuhat niyan? Madami naman dyan" Parang pa sermon na sabi niya

"Wala naman din kasing ginagawa, tsaka para may matulong naman ako" Sagot ko lang sa kaniya.

Natawa naman siya sa sinagot ko at ginulo ang buhok ko.

"Hoy ano ba!" Saway ko lang sa kaniya at aksidente ko namang na landas ang mga mata ko kay Times.

Seryoso itong naka tingin sa amin ni Oliver at kitang kita ko ang matatalim na tingin niya dito.

Natakot naman ako sa awra niya kaya medyo dumistansiya ako kay Oliver.

"Natahimik ka d'yan?" Tanong sa akin ni Oliver

Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now