CHAPTER 18

482 5 1
                                    

Erika's POV

Nakabalik na kami sa bahay pero hindi na kasama si Mama. Dahil mag babantay pa siya kay Papa at bukas ng umaga ay discharged na si Papa.

"Anong pinag usapan niyo ni Papa?" Tanong ko kay Times habang nag luluto ng uulamin namin

Ngumiti lang siya sa akin na kala mo nanalo sa lotto.

"Secret baby" Sagot niya lang sa akin ng kumindat.

"Psh" Sabi ko nalang ng natatawa at pinag patuloy na ang niluluto ko.

Adobo lang niluluto ko para mabilisan.

Maya maya pa ay naramdaman ko na yumakap si Times mula sa likuran ko.

"Now i know kung saan ka nag mana mag luto, kay mama" Sabi niya sa akin kaya natawa nalang ako.

"Well, nasa dugo na namin ang pagiging chef kuno Haha" Sabi ko sa kaniya

Napaigtad naman ako bigla dahil sa kiliti nang kagatin niya ang tenga ko.

"Aish! Wag! Nakikiliti ako" Saway ko sa kaniya pero hindi naman ako sinunod at bumaling naman sa leeg ko.

Nag tataasan naman ang balahibo ko dahil sa kiliti pero hinayaan ko nalang siya.

"Amoy Hospital ka Hahaha" Sabi niya sa akin kaya sinimangutan ko siya

"Huwag kang tatabi sa'kin mamaya ah" Naka simangot na sabi ko sa kaniya

Nakita ko ang pagkabigla niya.

"Hala, it was just a joke" Sabi niya sa akin pero inirapan ko lang siya

"Nyenye, joke mo mukha mo" Sabi ko lang sa kaniya at pinatay na ang stove.

"Uyy joke lang yun babyyyy" Sabi niya siya akin habang naka pouty lips

Pinigilan ko naman na huwag matawa sa itsura niya.

Ang cute kasiiiii! Natural na natural ang pagka red lips niya.

Tinignan ko lang siya saglit at inayos na ang mga plato. Ayoko siyang titigan natatawa ako eh

"Umupo kana at kumain" Sabi ko lang sa kaniya pero hindi ako naka rinig ng response sa kaniya.

Kaya napatingin ako sa kaniya.

Naka sad face lang siya na parang bata at nag papaawa. What the fuck? His face tho. Shems!

"Huy? Anong nangyari sa'yo? Bakit ganiyan itsura mo?" Tanong ko sa kaniya at nilapitan siya

"Ikaw kasi eh! Inaaway mo nanaman ako!" Tila batang sabi niya sa akin kaya natawa naman ako.

Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now