CHAPTER 21

449 7 0
                                    

Erika's POV

Nang kumalma na ako mula sa pagkakaiyak ay inayos ko ang sarili ko.

Nakatitig lang ako sa salamin dito sa loob ng comfort room sa Coffee shop.

Kadadating lang namin dito pero tila isang tsunami na ang tumama sa amin.

*Ting*

1 new message received

From: Manager Joseph

-Kuhain mo na ang mga gamit mo sa penthouse ni Times-

Napapikit nanaman ako ng mariin at tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. 

"Ito na ba ang pagtatapos ng kahibangan ko sa isang Times Calderon?" Kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin

Ayoko , Ayan ang sinasabi ng puso ko.

Let go, Ang sinasabi naman ng isip ko.

Anong pipiliin ko?

Huminga muna ako ng malalim at pinalakas ang loob.

Kaya mo 'to. Kung may ibang mangyayari man, ayon na ang sinasabi nating pagsubok.

Lumabas na ako ng coffee shop at naglakad na papunta sa Penthouse ni Times.

Naabutan ko siya doon na nakaupo lang habang malalim ang iniisip

Pero naagaw ng pansin ko ang paligid, halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sirang mga gamit at may bahid iyon ng dugo.

Napatingin ulit ako kay Times at sa kamao nito. May bandages na

Siya ba ang may gawa?


"T-times" Tawag ko sa kaniya

Agad naman siyang napalingon sa akin at nakita ko ang bahid ng lungkot sa mukha niya. Pero agad niyang inalis iyon at pinalitan ng malamig na tingin

Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ko.

Yung tingin na 'yon. Ayokong makita, dahil alam ko na ang sunod na mangyayari.

Agad naman akong nanakbo papunta sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Isang mahigpit na yakap na alam kong posibleng maging huling yakap ko sa kaniya.

"Kung ano man 'yang nasa isip mo at sasabihin mo, Please Times. Ayoko! Ayoko!" Pag mamakaawa ko sa kaniya at hindi napigilan ang pag luha.

"Erika, listen" Malamig na sabi niya sa akin

Umiling lang ako

"No please, ayoko" Pag pigil ko pa rin sa kaniya.

Mag papaka selfish ako ngayon, hindi naman ata babagsak agad ang career niya diba? Diba?

"Listen Erika, please" Sabi niya sa akin at kinalas ang pagkakayakap ko sa kaniya

Tinitigan niya lang ako, ganon pa rin. Malamig na titig

"Sorry, i have no choice. I'm done with you, we're done. I just used you for my own satisfaction" Sabi niya sa akin

Hindi ko siya pinakinggan, dahil alam kong hindi totoo 'yon. Sinasabi niya lang 'yon para layuan ko siya. Alam ko!

Dahil iba ang mga pinakita at pinaramdam niya sa akin kumpara sa sinasabi niya ngayon


Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now