CHAPTER 24

499 3 0
                                    

Erika's POV

Habang naglalakad na kami palabas ng Agency ay tanaw na tanaw ko na si Baby Timothy sa loob ng Van. Naka open kasi ang bintana nito.

"Mama!! Mama!!" Masayang sigaw niya at nilabas pa ang kamay sa bintana kaya natawa naman ako. He's so cuteeee lalo na ang medyo pagka bulol niya

Nanakbo agad ako papalapit sa kaniya at hinalikan siya sa lips.

"Hey, Huwag ka ngang manakbo. Pag ikaw nadulas" Sermon sa akin ni Oliver kaya binelatan ko lang siya.


"How's my baby?" Pag lalambing ko kay Baby Timo. nang makapasok na ako sa Van

Yumakap lang siya sa akin at kiniss ako sa pisngi

"Aym good po ma..ma" Medyo bulol pa na sagot niya sa akin at pinaglaruan na ang hawak niyang laruan.

Nabaling naman ang pansin ko kay Ate Vivian na babysitter ni Baby Timo.

"Ate, have you fed him?" Tanong ko sa kaniya

"Ah oo hija" Sagot lang sa akin ni Ate Vivian.

Tumango lang ako at naramdaman ko ang pag sakay ni Oliver sa front seat.

"Hey Erika. Kain muna tayo, may alam akong masarap kainan" Sabi ni Oliver sa akin kaya nag approved lang ako.

Maya maya pa ay sumilip nanaman si Baby timo sa labas ng bintana at parang may kinakawayan.


Sino kaya?


"Pa...pa!!" Sigaw ni Baby timo. at pumapadyak padyak pa na tila tuwang tuwa.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Kaya agad akong napalingon sa tinatawag niyang Papa at halos manlaki naman ang mga mata ko.



Shemmms!


Si Times na ang lawak din ng ngiti habang naka tingin kay Baby Timo.

Napatago naman agad ako bigla sa likod ni baby Timo. sa pamamagitan ng pag yuko at nakita ko rin na nilingon ako ni Oliver. .


"Anong problema?" Tanong niya sa akin kaya sinenyasan ko siya na tignan ang taong papalabas ng Van. Agad naman niyang sinunod 'yon

"Oh shit" Gulat din na sabi niya at ginaya ako at yumuko rin.

Gago ba siya? Bakit siya nag tatago?!


"Ma'am ano pong problema?" Tanong din ni Ate Vivian na halata mong nag tataka.

Sumensyas lang ako sa kaniya na tumahimik na agad niyang ginawa.

Hindi pa pwedeng malaman ni Times na anak namin si Baby Timo. Hindi pa 'to yung tamang oras


"Hoy Oliver! Bakit nagtatago ka rin?!" Pabulong na tanong ko kay Oliver at pinanlakihan siya ng mata

Napaayos naman siya ng upo at napakamot sa batok.

"Bakit nga ba?" Tanong niya rin. Napa irap nalang ako sa kaniya

Lalo naman lumakas ang hagikgik ni Baby Timo. at ganon din ang lakas ng tibok ng puso ko.


"Hi baby, good to see you again" Rinig kong kausap ni Times sa anak namin. Shemay!


Pero what?  'again' ? Tama ba ang narinig ko? It means nag kita na sila? Kailan??

"Papa...Mama tatago" Masayang sabi ni Baby Timo kay Times kaya napasapo nalang ako sa noo ko . 

Be the Super Star's Personal Assistant Where stories live. Discover now