September 9, 2014

77 4 2
                                    

September 9, 2014

Oy notebook,

Isa na namang walang kwentang araw ang nakalipas. Masyadong boring kasi puro pagdadaldal lang ng kapatid kong twelve years old na si Chuchay ang naririnig ko. Puro James Reid lang naman amg pinagsasabi. Kesyo pogi raw at may abs. Pinakita pa niya ang picture nito na topless.

Di hamak na mas pogi naman ako dun sa James Reid na 'yun ano! May abs naman ako pero one pack lang. 'Yung kanya mga pandesal, akin tasty. Oh bakit? At least, TASTY. Masarap, malinamnam. Kamukha lang naman 'yun nung batang ama na tricycle driver dito sa may amin. Sus. Sabi pa ni chuchay, masyado raw akong judgemental. Ugh.

Nagsasabi lang ng totoo,

Duro

PS. Hindi ba totoo naman? Please, sabihin mo OO.

OY NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon