October 2, 2014

23 2 0
                                    

Oy notebook!

Hanggang ngayon, magkadate parin kami ni Anna Tababy. Oo, 'yung matabang may crush sa akin. Pumayag kasi siya na pagseselosin namin 'yung crush ko na may malanding boypren. At eto namang si Taba, pumayag kaso ang sabi niya sa'kin parang wala na raw akong pag-asa kaya kami na lang. Pero ang sabi ko sa kanya,

"May pag-asa ako. Tiwala lang. Makikita mo ang katotohanan kapag minulat mo ang ang mata mo."

Tinawanan niya ako, hinampas ng todo at sinabing ang over acting ko raw. Walang galang na Tababy 'yan. Kahit isang suporta, wala. Palibhasa, puro pagkain lang ang alam. Kaya isang big FAT zero ang nakukuha sa test e. Habang sinusulatan kita notebook, nakatingin siya. At ang sabi niya?

"Ang landi mo. Pa-notebook notebook ka pa. Why so yucky Korduroy Reyes? Ang baho na nga ng pangalan mo, ang baho pa ng mga ginagawa mo? Ew. So ew."

At tinawag pa talaga ako sa buong pangalan ko! Argh. Ano bang paki niya? Ito na nga lang ang pampalipas oras at pinagbubuhusan ko ng sama ng loob ko't lahat lahat na tapos KALANDIAN ang tawag niya dito?!

Huwag kang mag-alala, notebook. Pinaghiganti na kita. Kanina kasi nagstay kaming dalawa sa classroom kahit late na. Kakainin na sana niya ang oreo cheesecake cookies niya, pero nyahahaha! Nilamutak ko 'yung lahat bago niya pa mahawakan man lang. Umiyak tuloy ang baboy. Aww. Hahaha!

Hindi raw kami bati. Paki ko?

Mataray na entry 'to ha.

Pumapatol sa babaeng baboy,

Duro

Ps. Ang sarap ng cookies.

Pps. May talent pala ang baboy kahit papaano?

OY NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon