October 26, 2014

16 0 0
                                        

Oy notebook!

Ang korni talaga ngayon ni Anna Tababy. 'Yung totoo, saan niya ba nakukuha ang mga banat niya? Ano bang trip niya? Kung hindi siya babanat, huhugot naman.

Nabobored kasi ako kanina kaya nakatulala lang ako sa blackboard. Free time kasi at wala naman akong makausap ng matino. May kanya-kanya kasing mundo sa room. Solar system lang talaga.

Bumulong sa Anna Banatera este Tababy sa'kin. "Kung iniisip mo na mahal kita, think twice. Mahal na mahal kaya kita."

Loko talaga 'yung tababoy na 'yun. taBABY na lang daw rin ang itawag ko sa kanya! Anong nangyari sa baboy na 'yun? Ano kayang nakain nun at puro banat.

"Ang pogi ko talaga ano?" pagmamayabang ko sa kanya habang tinitingnan ang bago kong selfie sa retrica. "Grabe na talaga ang kagwapuhang taglay ko. Bakit kaya hindi ako mapansin-pansin ni crush? Siguro, kailangan ko na siya bilhan ng salamin?"

Sumagot si Anna taBABY na nasa may silyang malayo sa akin, "Ang lakas ng hangin. Sana tangayin ka papunta sa akin."

Tumawa ako at sinabing, "Teka nga, bakit ba ang layo mo sa akin ha, taBABY?"

"Minsan, kailangan natin dumistanya para makawala, para makamove on. Para makalaya na sa pesteng pagpintig ng puso ko para sa'yo."

"Syete. Tigil-tigilan mo ako Batchoy ha. Mga hugot at banat mo diyan e. Teka ... may sakit ka ba?" nilapitan ko siya at inilagay ang kamay ko sa noo at baba niya. "Wala naman ha? Anong nangyari sa'yo? Hahaha."

Ngumiti siya ng mapait, "Let's just say, nainlove ako sa taong hindi rin naman mapapasakin sa huli."

Pagkatapos nun, ay nagwalk-out na siya. Ang weird ni Anna ngayon ha. Parang may pinagdadaanan ata. Naiwan niya tuloy ang cookies niya. At syempreng syempre, ako na ang maswerteng kakain! Kapalit na lang 'yon ng pang-iimbyerna at pambabalahura niya sa akin ngayong araw.

Kumakain ng cookies,

DuroBeybeh

Ps. Pogi ko talaga!

OY NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon