September 12, 2014

65 3 0
                                    

Oy notebook!

Nakakaasar. Naturn-off ata 'yung crush ko sakin e. Pero wala naman talaga akong bad breath at putok. Wala talaga pramis. Amuyin mo pa. Mabango naman ha? Imported pa nga deodorant ko. Shhh. Quiet ka lang.

Nagsimula kasi 'yun sa pagpapakalbo ko kahapon. Sabi ko kasi kay kuyang barbero, semi-kalbo. Kaso ayun, tinodo niya. Kinalbo niya na ako nang tuluyan. Sabi ni nanay, gwapo naman daw ang presko kong look. Sabi ng tatay ko, makakahakot ako ng chicks dito. Ngunit sabi ni Chuchay, mukha raw akong naglalakad na ROLL ON kanina. Badtrip. Niyakap ko tuloy siya na siyang kinainisan niya. Kesyo malaki na raw siya at awkward daw na kaming dalawa, magyayakapan. Ang OA ng kapatid ko, pagpasensyahan mo na notebook. Sinabi ko na lang sa kanya na kung insecure siya sa kagwapuhan ko, magpakalbo na lang siya. Medyo magkahawi naman kami e.

Kanina, nung pagpasok ko sa school, umiyak ang baklang guard sa harapan ko. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na natanggal ko naman agad. Iyak n=siya nang iyak na parang wala nang bukas. Tinanong ko siya kung bakit. Sabi niya, kelan pa daw ba ako nagsimulang magCHEMOTHERAPY? Aba't loko! Wala kong leukemia. Kung hindi rin naman siya bastos, oo!

Ang ganda ng crush ko. Ang ganda ganda niya talaga. Ang maputi niyang balat, ang mahaba niyang buhok, medyo pangong ilong, manipis na labi at matabang tiyan. Almost perfect na siya sa paningin ko, notebook. Pero ang pinagtataka ko, bakit parang ako lang ang nagagandahan sa kanya? The last time I checked, hindi naman niya ako ginayuma. Anak ng. Baka gusto niya rin ako?!

Natotorpe ako sa kanya syete. Ang hirap. Para akong matatae na ewan. UGH. Kakain na sana kami ng lunch ng mga tropa kong mga poging cute nang may narinig akong sigaw ng babae, Si Chuchay, binubully ng isang lalaki. Umiiyak si Chuchay. Loko 'yun e. At bilang mabait na kapatid, pumunta ako kung nasaan sila. Minudmod ko ang lalaki sa mabango kong kili-kili gamit ang isa kong kamay. Pagkabitaw ko, nahimatay siya. Tulog. Okay na sana ang lahat, sasayaw na sana kami ni Chuchay ng 'boom panes' kaso may nakita akong tumatakbong babae papalapit sa amin.

Anak ng tokwa! Si Crush. Nag-ayos ayos ako ng konti. Lalapitan niya na sana ako -

Yung nambully ang nilapitan niya, ang wala. Iyak siya nang iyak sa harapan ng tulog na lalaki at nagmamakaawang huwag siyang iwan nito. Minura niya pa ako. Sinabihang walang puso dahil walang awa kong isinadsad sa kili-kili ko ang BOYFRIEND niya. Ang sakit, ang sakit sakit. Pramis. Cross my heart, Die now.

Medyo brokenhearted,

Duro

OY NOTEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon