Oy notebook!
Ang saya saya ko ngayon! Kahit loner ako. Si Anna Tababy kasi e, iniiwasan parin ako. Mukha tuloy akong kawawang unggoy na walang kaibigan. Ang pogi pogi ko e, may tasty pa tapos pagmumukhain lang akong unggoy? Aba't ang kapal. Ang kapal kapal kapal! Pero okay lang, at least, maraming chicks na ang sumulyap sa akin kaninang umaga. Humahagikhik sila habang dumadaan ako sa hallway.
Kumindat ako sa kanila at sinabing, "Hey girls! I right hot me? hehehe."
Wag niyong papansinin 'yung grammar, please?
Tumawa pa sila pagkatapos nun. Ang funny ko talaga kahit kailan! Hahahaha! Kinikilig ako. Mga sikat na chicks pa naman ang nahatak ko. Pagkatapos kong maglakad sa hallway, yumuko ako at nakita kong hindi bala ako nakarubber shoes -- nasuot ko pala ang bunny slippers ni Chuchay sa bahay. Saya lang. Pfft.
Napahiyang pogi,
Duro
Ps. Pero cute parin ako!
BINABASA MO ANG
OY NOTEBOOK
RandomA guy's diary. His rants, problems and whatever. Just plain randomness.