September 10, 2014
Oy notebook,
Nakakaasar. Nung kinahapunan, pinilit ako ni mama na bumili ng tatlong malalaking bote ng coke ng tig-1.5 liters. Umayaw ako kaso sabi niya, bawal na raw ako magcomputer shop kina Aling Koleng!
Hindi ako makapapayag!
Kaya bumili na rin lang ako kahit nakapajamas pa ako. Pasensyahan. Hindi ako pinagbigyan ni mama na magpalit ng damit. Pinagtulakan na lang niya ako agad agad. Marami pa namang chicks sa daan nung mga oras na 'yun! Pinagtawanan lang nila ako. Tanghali na raw pero hindi pa ako naliligo. Bawas pogi points. Pero pakiramdam ko lang ha, naccute-an sila sakin. Haha!
Nagmamabantot,
Duro

BINABASA MO ANG
OY NOTEBOOK
RandomA guy's diary. His rants, problems and whatever. Just plain randomness.