Jungkook's POV
"Jungkook, hindi ka pwedeng makita ni Ahreum dito." Humiga lang ako ulit sa kama niya. Ang cute niyang pagmasdan tarantang taranta siya,
"Paano ako?"
"May schedules ka ba?" Tumango ako.
"Baba ka nalang kaya sa bintana?" Tanong niya.
"2nd floor itong kwarto mo. Gusto mo ba kong mamatay?" Nanlaki naman yung mata niya.
"Wag na pala.... Hintayin mo nalang ako dito ah. Wag kang gagalaw." Bulong niya. Lumabas na siya ng kwarto. Tumayo naman ako sa kama at binuksan yung isang drawer. Pagkabukas ko kaagad kong sinara. Underwears pala laman nun.
Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si Haru. "Hintay hintay ka lang diyan. Aalis na din naman yun ee. May class siya ngayon." Tumango na lang ako.
"HARU?! AALIS NA AKO AH. IKAW NA BAHALA DITO OKAY? OKAY. TFIOS." Sigaw nung karoommate niya.
"OO." Sigaw ni Haru pabalik. "Teka lang ah." Sabi ni Haru sakin saka siya tumakbo sa banyo. Anong nangyari dun?
Ilang minuto pa lumabas na din siya sa banyo. "Tara! Kain tayo!" Sabi niya saka niya ako hinila papunta sa kusina. Naghalungkay siya ng pagkain. Mukhang disappointed siya.
"Bakit parang ang disappointed mo? Anong meron?"
"Patay.. Hindi niya ako iniwanan ng pagkain.." Mukha siyang nalugi.
"Edi magluto ka."
"Errrr... Y'know?" Pinagdikit niya yung hintuturo niya saka ito tinignan. Natawa ako. Oo nga pala.
"Sige na nga. Ako na lang ang magluluto."
BINABASA MO ANG
Letters to Jungkook
Short StoryYou left me and took a piece of me with you. You promised me you'll write a letter for me but you didn't. You walk away like it's nothing. Like we were nothing. Like I was nothing.
