477 19 5
                                    

Pumasok na kami ni Jungkook dun sa dressing room nila. Nakatingin lahat ng tao sa loob saakin.

"Hyung,Noona, girlfriend ko si Haru." Sabi niya. Nanlaki naman mata ko. Sheet! Girlfriend daw?,

"Oww! Binata na si Jungkook!!" Inis sakanya nung lalaking medyo maliit.

"Hi! Ako si Jimin." Pagpapakilala niya sakin.

"Tigilan mo nga siya,Hyung!" Sigaw ni Jungkook. Problema nito? Ang sakit niya sa eardrums.

"Haha. Possessive mo naman. May Bomi na ako." Sabi ni Jimin.

"Malay ko bang sexually frustrated ka kasi nasa ibang bansa si Bomi-noona." Sabi ni Jungkook.

"Hi Ako si Jin! Ako yung oldest sa group namin. Eto yung asawa ko si Armie at yung anak namin si Jinwoo and Jinhwan." Lumapit sakin yung sinasabi ko kaninang ang manly ng itsura. Sayang may asawa't anak na pala siya. Pero teka! Si Armie Jung yung asawa niya? Akala ko nalilink to kay Matt Go.

"Magkaibigan lang kami ni Matt. Alam ko yung iniisip mo." Sabi ni Armie saka niya ako nginitian.

"Ay pasensya na po. Nakita ko po kasi sa balita."

"Ayos lang. Haha. Tawagin mo nalang akong unnie." Sabi niya. Ang ganda pala niya talaga.

"Hello! Ako si V! Pero kung gusto mo you can call me yours." I blushed dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makasagot may babaeng lumapit samin saka niya hinila yung tenga ni V-oppa.

"Manahimik ka nga diyan. Ako pala si Daehye. Wag mong pansinin itong lalaking to." Sabi nung babaeng lumapit. Ang ganda niya rin. Mukha silang model tas ang sexy pa nila. Kakainsecure.

"Hello! Ako si Rap Monster. Yung leader sa group." Sabi nung lalaking nableach yung buhok.

"Hello! Ako si Suga and I'm taken." Sabi nung lalaking maputi.

"My name is J-Hope. I'm your hope." Sabi nung lalaking mukhang nakakatawang kasama.

"Nice to meet you po." Sagot ko.

Nagstay lang kami sa waiting room habang yung BTS nag papaayos. Grabe ang sweet nila Jin-oppa saka si Armie-unniw. Nagsusubuan pa talaga sila ng pagkain. Si V-oppa naman pinatong yung ulo niya sa legs ni Daehye-unnie. Kami ni Jungkook nakikinig lang ng music sa ipod niya. For the first time, ngayon ko lang nafeel na belong ako. Kasi noong kaming dalawa pa ni Luke. Pagnasa party na ganto bigla nalang siyang nawawala ang ending ako magisa ang umuuwi.

"May schedule pa pala tayo. Aish!" Sabi ni Rapmonster-Oppa.

"Paano niyan?" Tanon ko kay Jungkook.

"Mahihintay mo ba ako?" Tanong niya parang double meaning. Aish! Utak ko talaga.

"Oo naman. May gagawin ba tayo?" Tanong ko. Alam ko kasi wala talaga kaming plano na magkikita kami.

"Gusto sana kitang dalhin dun sa paborito kong lugar." Sabi niya saka niya pinaglaruan yung daliri ko.

"Saan naman?" Utak ko nagiging berde! Pfft. Hindi naman siguro motel diba?

Bigla niya akong pinalo sa noo."Aray ko!"

"Mga iniisip mo,Haru." He smirked.

"Wala akong iniisip!"

"Okay?"

"Okay." Sagot ko.

Biglang gumitna si Daehye-unnie samin. "Pffft. Ano to TFIOS?" Sabi niya.

"Noona, bat nandito ka?" Tanon ni Jungkook mukha siyang hindi masaya dahil gumitna si Daehye-unnie samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon