"M U N D O"
May isang babaeng gustong makita ang kalawakan
Gusto niyang makita ito dahil siya'y pinagkaitan
Pero di niya makita ang mga ito kasi siya'y nasa isang kulungan
Kulangang nababalot ng kadiliman, na ni minsan di niya nasilayan ang maliwanaganSinubukan niyang gumawa ng paraan upang makawala sa kulungan
Sinubukan niyang tumakbo ngunit parang walang hangganan ang daan
Sinubukan niyang maghanap ng kahit kunting liwanag
Sinubukan niya ring sumigaw ngunit napapaos na siya wala pa ring nakakarinigGustuhin niya mang sumuko na, na makita ang kinagisnan ng iba
Gustuhin niya mang tumigil na sa paghahangad na ito'y makita
Gustuhin niya mang ihinto na ang matagal na pagpapantasya at sabihing siya'y pagod na pagod na
Ngunit puso niya mismo ang nagsabing malapit naSinasabi nito na, masisilayan mo na rin ang matagal mo ng gustong makita
Nasasabi ito ng puso niya marahil ito'y nagbabatid na siya'y nasa dulo na
Di nga nagkamali ang kanyang puso
Sa pagpigil sa kanyang huminto at sumukoNgayon sa isang pikit ng kanyang mata
Ibang mundo na ang kanyang makikita
Mundong kanyang gustong matanaw noon pa man
Na ngayon ay abot kamay na niyang nasisilayanA/N: IKATLO ✔
BINABASA MO ANG
Isang Tula, Isang Paksa
Poetry"Ang paksa ay nakadepende sa gustong iparating ng mga manunulat sa kanilang tagabasa. Ito rin ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan, o nilalaman ng gustong iparating sumalat sa mga tao." Tunghuyan ang mga tulang aking gawa Ito may hindi kasing-ga...