"I N A"
Ina, tatlong letra, isang salita
Ang iba mayroon, ang iba naman ay wala
Labis kung sila'y magmahal
Lalo na sa anak, napakamapagmahalSi mama ang humubog kung ano ako
Siya ang may malaking impluwensya sa buhay ko
Kahit na isang buwan lang magkikita taon-taon
At sa teknolohiya lang ang aming komunikasyonLabis ko siyang tinitingala
Sobra pa sa idolo ang aking paghanga
Ang pagsasakripisyo niya
Gusto kong palitan ng ligayaHindi man siya perpekto
Mabuti naman siyang tao
Hindi man kami magkakasama
Alam kong buo at matatawag pa rin kaming pamilyaNalulungkot man sa bawat paglisan
Itatanim na lang, babalik siya kinabukasan
Wala man siya tabi
Alam kong gusto niyang manatiliTulad ng pagsapit ng takip silim,
Sisibol ang bukang liwayway
Tanda na sa bawat paglisan
May nakaabang na panibagong arawIna kong iniidolo
Alam kong babalikan mo akoA/N: IKAPITO ✔
BINABASA MO ANG
Isang Tula, Isang Paksa
Poesía"Ang paksa ay nakadepende sa gustong iparating ng mga manunulat sa kanilang tagabasa. Ito rin ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan, o nilalaman ng gustong iparating sumalat sa mga tao." Tunghuyan ang mga tulang aking gawa Ito may hindi kasing-ga...