IKAANIM NA PAKSA

771 3 0
                                    

"A N O  N G A  B A  A K O  S A Y O ?"

Gusto kong pigilan ang pagbitaw mo sa aking mga kamay
Gusto kong ipagpatuloy natin ang nasimulang paglalakbay
Gustong-gusto ko, pero paano?
Paano kung tinanggalan mo na ako ng karapatan sa buhay mo?

Tanda ko pa ang mga sinambit mong salita
Iyong pagmamakaawa mo sakin na na wag munang lumisan pa
Ang mga katagang, "Wag ka munang lumisan, samahan mo muna akong maglakbay
Hanggang makita ko na ang totoong kahulugan ng buhay"

Ikaw, tanda mo pa ba?
Tanda mo pa bang minsan ay nagmakaawa ka
Pero noong nagmakaawa ba ako, nakinig ka? Lumingon ka ba?
Hindi, sa halip na lumingon at makinig may sinambit kang mga salita, "Pwede ka ng lumisan, natagpuan ko na siya"

Noong nagmakaawa ka
Noong umiyak ka
Kahit gusto ko ng lumisan pinili kong patahanin ka
Pinili kong sabayan ka, sabayan kang maglakbay kahit di alam kung saan ito patungo

Ngunit asan ka? Iniwan mo ko
Dahil nahanap mo na ang matagal mo ng hinahanap
Dahil natagpuan mo na ang ang iyong pangarap
Dahil natagpuan mo na siya at nayakap ng walang kahirap-hirap

Natagpuan mo na ang totoong kahulugan ng buhay para sa iyo
Ang makayakap at makasana ang taong minamahal mo
Ngunit ako, kailan mo makikitang nandito ako?
Ang ginawa kang kahulugan ng buhay at nagtatanong, ano nga ba ako sayo?

A/N: IKAANIM ✔
Mine

Isang Tula, Isang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon