IKAWALONG PAKSA

173 1 0
                                    

"P A A L A M  NA  S A Y O"

Tulang hango sa kantang "binaliwala"

Ingatan mo siya

Huwag mong hayaan

Na mawala ang kislap sa kanyang mga mata

Pakiusap, ibibigay ko na ang kanyang kalayaan

Ingatan mo lang siya

Iyong tipong sasaya siya

Huwag mo sanang hayaang lumuha

Ang kanyang malatalang mga mata

Pangingitiin mo sana siya

Bigyan ng alaalang kay ganda

Iparamdam na hindi siya nag-iisa

At sambitin ang katagang "mahal kita"

Ito ang huling bilin ko

Ipauubaya ko na siya, pangako

Pipilitin ko ng iwaksi ang pait

Kahit hindi madali at ito'y masakit

Isusuko ko na ang laban

Na matagal ng may nanalo

At kahit pa sabihing nauna akong tahakin ang daan

Sa kalagitnaan naman ay naduwag ako

Kaya tatanggapin ko

Ang aking pagkatalo

Pasensiya na kung ngayon lang napagtanto

Na ang laking harang ko sa inyo

Huwag kang mag-alaala

Hindi na ako magiging abala

At sa taong minamahal ko,

"Paalam na sa 'yo"

A/N: Ikawalo

Isang Tula, Isang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon