"P A G B A B A GO N G M U N D O"
Sa paglipas ng panahon
Unti-unting nababago ang nakagawian noon
Hindi ko na matandaan ang lumang hitsura
Nasaan na ang mundong una kong nakita?Ba't ang hilig na nating manghusga?
Nasaan na ang mga taong pinapakinggan muna
Ang kwento sa likod ng storya
Bago kumuda?Isang maling kilos mo lang, ika'y pagpipiyestahan
Isang maling galaw mo lang, ika'y pipintasan
Tandaan, walang taong perpekto sa mundo
Lahat tayo nagkakamali upang matutoBa't ang rami ng palamura?
Yung wagas kung makasabi ng putangina
Ginagamit itong ekspresiyon ng mga kabataan
Ngunit hindi naman nila alam kung ano ba talaga ang totoong kahuluganNawawala na ang "po" at "opo"
Napapalitan na ng "piste" at "gago"
Nawawalan na rin ng respeto
Anong nangyayari sa mundo?Unti-unti na tayong binago ng teknolohiya
Dahil dito tayo'y lumalala
May naidudulot naman itong maganda
Nasobrahan lang talaga sa paggamit kaya naging masamaNoon ay naglalaro pa ng patentiro sa kalsada
At umaakyat pa sa puno ng mangga
Ngayon, sa cellphone ay hindi kayang mawalay
Parati itong hawak sa kamayAno nangyayari sa mundo?
Nasaan na ang kinsagisnan ko, ba't ito nagbago?
Hanggang kailan itong ganito?
Kailangan pa bang magunaw ang mundo?Kaya simulan natin ang pagsasaayos sa mga nasira
Hanggang hindi pa ito tuluyang masira
Simulan nating baguhin ang nakasanayan natin ngayon
Upang maibalik ang napakasayang kahaponIyong walang panggagahasa
Walang mga kabataang nagpapariwara
Iyong may respeto pa ang mga tao
Yung hindi pa laganap ang kasamaan sa mundoIyong luksong-baka, piko, at patentiro pa
Ang nilalaro ng kabataang tulad nila
Iyong uso pa ang harana
At hindi diretso sa kamaHindi pa huli ang lahat
Kailangan lang natin magkaisa at maging tapat
Baguhin natin ito
Gawin nating maganda ang pagbabago ng mundoA/N: IKALIMA ✔
BINABASA MO ANG
Isang Tula, Isang Paksa
Şiir"Ang paksa ay nakadepende sa gustong iparating ng mga manunulat sa kanilang tagabasa. Ito rin ay tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan, o nilalaman ng gustong iparating sumalat sa mga tao." Tunghuyan ang mga tulang aking gawa Ito may hindi kasing-ga...